Da best ng MMFF sa video

Inihayag ng C-Interactive Digital Entertainment ang pagre-release ng mga matatagumpay na kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) na kinabibilangan ng Tanging Yaman, Spirit Warriors at Sugatang Puso. Available sa orihinal na kopya, ang mga titulong pang-koleksyon talaga at garantisadong tatagal hanggang sa susunod na henerasyon.

Nanalo ng best picture at iba pang pangunahing awards, ang Tanging Yaman ay isang dramang pampamilya na mala-epiko ang dating dahil sa laki ng istorya at dami ng casting nito tulad nina Gloria Romero, Edu Manzano, Johnny Delgado, Dina Bonnevie, Joel Torre at ang sangkaterbang kabataang artista. Nagwagi sa best in visual effects, ang Spirit Warriors ay isang horror-adventure movie tungkol naman sa isang grupo ng magkakaibigang estudyante na mahilig sa ghost hunting. Naging top grosser sa pestebal, itinatampok dito ang Streetboys. Bilang pangatlo sa pakete, ang Sugatang Puso ay isang madamdaming pelikula nina Christopher de Leon at Lorna Tolentino na gumaganap bilang mag-asawa na may kanya-kanyang anak na binatilyo sa kanilang mga unang nakarelasyon. Kabituin dito sina Patrick Garcia, Carlo Aquino at Cherie Gil, ang nagkamit ng best supporting actress.

Bukod sa mga pelikulang lokal na nasa label ng Regal Home Video, ang C-Interactive ay exclusive distributor din ng maraming Hollywood blockbusters at mga sikat na PC games. Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Customer Care Hotline 2455011-12/2472964 at fax nos. 2450379.

Show comments