"Ipagwawalang bahala ko ba ito, ngayon pa na ilang araw na lamang ay eleksyon na?" ang kanyang sabi in between his political sorties sa financial district ng Pilipinas. He goes on to mention yung mga pagtulong na walang kapalit na halaga.
"Wala akong pera. Ang mga campaign materials ko ay donasyon lamang ng maraming concerned citizen ng Makati na nagnanais ng malaking pagbabago sa aming lungsod. Pati mga kapwa ko artista ay libre ang mga serbisyo. Napaka-wala ko namang utang na loob kung umatras ako dahilan lamang sa nabayaran ako. No amount of money is worth all the sacrifices, yung pawis na nawala, yung pagod na dinanas namin, yung gutom na madalas naming maranasan. Besides I am not running for the money. Hindi ito trabaho. Public service, tulong sa mga tao na humahanap ng pagbabago," ang mariin niyang sabi.
Nagsimula bilang isang mahinang kandidato si Edu pero ngayon ay malabis na siyang kinatatakutan ng kanyang mga kalaban sapagkat nakita na ng mga taga-Makati ang kanyang katapatan sa paglilingkod at gusto nila ang kanyang plataporma sa gobyerno. Bagamat may naniniwala na siguro nga ay nagkaroon ito ng offer para umurong pero mas malaki ang paniniwala nila na tinanggihan niya ang offers at walang dahilan para siya umatras ngayon abot-tanaw na ang tagumpay.
"Tuloy ang laban," ani Edu at katunayan, maraming kabataang taga La Salle at Ateneo ang nag-unite para tulungan siya sa kanyang kandidatura.
Kahit na sa local TV at radio dun ay ito ang usap-usapan at lahat ay naniniwala na kay Maria nga ang naturang resort.
Nagbakasakali kaming malaman sa mga trabahador ng resort kung sino talaga ang nagme-may-ari ng lugar pero katulad namin, wala silang alam pero, narinig din nila ang tsismis. Ayon sa isa naming reliable source, Diamond Resort ang pangalan ng lugar.
"I feel si direk Al Tantay ang may dala dala ng swerte. Tingnan n’yo ang mga movies niya, di ba naghi-hit? Ganito rin ang nangyayari sa Baliktaran," dagdag pa ng sexy star.
Tiyak na mauulit ang paggi-guest ni Via sa Gags dahil riot yung episode na nilabasan niya last Friday. Ang Gags Must Be Crazy ay isang weekly show ng IBC 13, 10:00-11:00 n.g., Wednesday.
Isa sa kanila ang tumatakbong Congressman ng 5th district ng Manila, si Felix Peck Cantal, isang advocate ng natural law & value, righteousness, tagapagtanggol ng kababaihan at mga bata.
Nagtapos ng AB Political Science, isa ring graduate ng Oxford University bilang Doctor of Philosophy, kumuha ng masteral sa Munich University, Cinemetography sa UCLA at nang makatapos ay nagtrabaho sumandali sa BBC. Siya ang nag-iisang Pilipino na myembro ng isang organisasyon ng world economics na may mahigit sa 80 myembro. Impressive, di ba?
Layunin niya na makapagsusog ng batas na kung saan ang isang mamamayan ng Pilipinas ay pagkakalooban ng isang ID passbook, batas hinggil sa pagbabago ng batas sa public economics, monetary economics law, taxation law, standard labor wages at taxation sa lupa at sa titulo nito.
Kasama rin si Dr. Cantal sa regular program ng ABC-5, ang Crimewatch Hour ang Tinig Ng Masa, Sabado, 5:00 n.h. hanggang 6:00 n.g. Co-host niya sina Atty. Antonio N. Salamera at Rhey Javellana. Tumutuon ang programa sa mga krimen na di nabibigyan ng aksyon at nagbibigay linaw at solusyon sa mga problemang economics ng bansa.