^

PSN Showbiz

Tuloy ang laban ni Edu Manzano

-
Namumula sa galit ang aktor na si Edu Manzano habang pinabubulaanan ang balita na umuurong na siya sa kanyang kandidatura bilang mayor ng Makati City. Diumano ay umatras siya sapagkat nabayaran siya ng napakalaking halaga na P80M. Naaalala niya ang mga sakripisyo na ginagawa para sa kanya ng kanyang mga kapwa taga-Makati.

"Ipagwawalang bahala ko ba ito, ngayon pa na ilang araw na lamang ay eleksyon na?" ang kanyang sabi in between his political sorties sa financial district ng Pilipinas. He goes on to mention yung mga pagtulong na walang kapalit na halaga.

"Wala akong pera. Ang mga campaign materials ko ay donasyon lamang ng maraming concerned citizen ng Makati na nagnanais ng malaking pagbabago sa aming lungsod. Pati mga kapwa ko artista ay libre ang mga serbisyo. Napaka-wala ko namang utang na loob kung umatras ako dahilan lamang sa nabayaran ako. No amount of money is worth all the sacrifices, yung pawis na nawala, yung pagod na dinanas namin, yung gutom na madalas naming maranasan. Besides I am not running for the money. Hindi ito trabaho. Public service, tulong sa mga tao na humahanap ng pagbabago," ang mariin niyang sabi.

Nagsimula bilang isang mahinang kandidato si Edu pero ngayon ay malabis na siyang kinatatakutan ng kanyang mga kalaban sapagkat nakita na ng mga taga-Makati ang kanyang katapatan sa paglilingkod at gusto nila ang kanyang plataporma sa gobyerno. Bagamat may naniniwala na siguro nga ay nagkaroon ito ng offer para umurong pero mas malaki ang paniniwala nila na tinanggihan niya ang offers at walang dahilan para siya umatras ngayon abot-tanaw na ang tagumpay.

"Tuloy ang laban," ani Edu at katunayan, maraming kabataang taga La Salle at Ateneo ang nag-unite para tulungan siya sa kanyang kandidatura.
*****
Matunog ang usapan sa Lucena City tungkol sa diumano’y ipinatatayong P120M Leisure Resort ni Maricel Soriano.

Kahit na sa local TV at radio dun ay ito ang usap-usapan at lahat ay naniniwala na kay Maria nga ang naturang resort.

Nagbakasakali kaming malaman sa mga trabahador ng resort kung sino talaga ang nagme-may-ari ng lugar pero katulad namin, wala silang alam pero, narinig din nila ang tsismis. Ayon sa isa naming reliable source, Diamond Resort ang pangalan ng lugar.
*****
Hindi totoong papalitan ni Via Veloso si Rica Peralejo sa programang Gags Must Be Crazy. "Guest lang talaga ako dito. Bakit ko naman ipagkakaila kung totoo. I feel may dala-dalang swerte ang programa sa mga artistang lumalabas dito. Like Rica, Rufa Mae and even Bayani. Talagang sumikat sila nang husto matapos mapanood sa programa.

"I feel si direk Al Tantay ang may dala dala ng swerte. Tingnan n’yo ang mga movies niya, di ba naghi-hit? Ganito rin ang nangyayari sa Baliktaran," dagdag pa ng sexy star.

Tiyak na mauulit ang paggi-guest ni Via sa Gags dahil riot yung episode na nilabasan niya last Friday. Ang Gags Must Be Crazy ay isang weekly show ng IBC 13, 10:00-11:00 n.g., Wednesday.
*****
Dalawa pang kandidato ang nakausap ko last week na naniniwalang mas matutulungan sila ng malaki kapag lumabas sila sa entertainment page ng mga dyaryo kaysa sa iba pang sections.

Isa sa kanila ang tumatakbong Congressman ng 5th district ng Manila, si Felix Peck Cantal, isang advocate ng natural law & value, righteousness, tagapagtanggol ng kababaihan at mga bata.

Nagtapos ng AB Political Science, isa ring graduate ng Oxford University bilang Doctor of Philosophy, kumuha ng masteral sa Munich University, Cinemetography sa UCLA at nang makatapos ay nagtrabaho sumandali sa BBC. Siya ang nag-iisang Pilipino na myembro ng isang organisasyon ng world economics na may mahigit sa 80 myembro. Impressive, di ba?

Layunin niya na makapagsusog ng batas na kung saan ang isang mamamayan ng Pilipinas ay pagkakalooban ng isang ID passbook, batas hinggil sa pagbabago ng batas sa public economics, monetary economics law, taxation law, standard labor wages at taxation sa lupa at sa titulo nito.

Kasama rin si Dr. Cantal sa regular program ng ABC-5, ang Crimewatch Hour ang Tinig Ng Masa, Sabado, 5:00 n.h. hanggang 6:00 n.g. Co-host niya sina Atty. Antonio N. Salamera at Rhey Javellana. Tumutuon ang programa sa mga krimen na di nabibigyan ng aksyon at nagbibigay linaw at solusyon sa mga problemang economics ng bansa.
*****
Napaka-ganda naman ng programa sa gobyerno na inihahandog ng nagtatangkang maging Mayor ng Pasig na si G. Mario S. Raymundo. Ang kanyang programang "Galing Sa Bayan Balik Sa Bayan" ay naglalayong alisin ang graft and corruption sa gobyerno sa pamamagitan ng isang epektibong Cooperative Movement. Ang tax na ibinabayad sa pamahalaan ng taong bayan ay mababalik sa kanila sa pamamagitan ng magandang serbisyo. Ang bawat kawani ng gobyerno, pulis, teacher at ang kanilang mga pamilya ay libre na ang health care, libre pa-ospital. Sagot na rin ng pamahalaan ang pag-aaral ng kanilang mga anak, three at a time, mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang ganda, di ba?

CENTER

GAGS MUST BE CRAZY

KANYANG

MAKATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with