Sa pamagat pa lang ng entry ni Vincent Wongahaim, ang "Sayonara Smile" ay mai-imagine na ang magiging anyo ng misteryosang si Frozen Pie. Ang seksing si Maxine naman ang aawit ng "Unbelievable" ni Dada de Paño-Supnet samantalang ang soap opera princess na si Angelika dela Cruz ay sasabak sa kantahan sa "A Day and A Night More" nina Ruth Bagalay at Bonnie Melocoton. Si Dianne dela Fuente naman ng hit musical na "Little Mermaid" ang kakanta ng "I Am Light" ni Ruben Lopez, Jr.
Bibigyan-buhay ng Saison and Friends, tampok si Ella Mae Saison, ang R&B na likha ni Dennis Garcia ng Hotdog na "Heaven Sent." Tingnan kung mauulit ni Judith Banal ang panalo niya nung 1997 Metropop sa pag-awit niya ng "Something I Wrote" ni Mon Espia. Huwag ring palampasin ang rendisyon ni Concert King Martin Nievera ng "Pag-uwi," entry nina Louie Ocampo at Joey Ayala. At ang huli, susubukan ni Niño Alejandro na sundan ang pagkapanalo ng tito niyang si Hajji at pinsang si Rachel sa pagkanta niya ng "I See You In Me" nina Arnel Sevilla at Alexander Castro.
Abangan ang 2001 Metropop Song Festival sa ika-26 ng Mayo, Sabado, alas-9 ng gabi sa GMA.