Sino ang magwawagi sa Metropop?
May 3, 2001 | 12:00am
Ngayong taon ang mga interpreters ng 2001 Metropop Song Festival ay binubuo ng mga beterano at baguhan na parehong minimithi ang karangalang maipanalo ang kanilang mga awitin. Nung nakaraang taon ay nakipag-duet si Anna Fegi pero ngayon ay solo siya sa pagkanta ng "Destiny" ni Ma. Raquel Custodio. Si Cynthia Alexander ang aawit ng "Kawikaan" ni La Verne Ducut at Catherine Carlos. Kakantahin naman ng Session Road, ang bandang tubong-Baguio, ang "Gravity" ni Ma. Rachelle Tesoro at ang bagong bandang Icebox ang aawit sa nakakaaliw na komposisyon ni Noel Mahinay, "Ayoko sa Pakipot."
Sa pamagat pa lang ng entry ni Vincent Wongahaim, ang "Sayonara Smile" ay mai-imagine na ang magiging anyo ng misteryosang si Frozen Pie. Ang seksing si Maxine naman ang aawit ng "Unbelievable" ni Dada de Paño-Supnet samantalang ang soap opera princess na si Angelika dela Cruz ay sasabak sa kantahan sa "A Day and A Night More" nina Ruth Bagalay at Bonnie Melocoton. Si Dianne dela Fuente naman ng hit musical na "Little Mermaid" ang kakanta ng "I Am Light" ni Ruben Lopez, Jr.
Bibigyan-buhay ng Saison and Friends, tampok si Ella Mae Saison, ang R&B na likha ni Dennis Garcia ng Hotdog na "Heaven Sent." Tingnan kung mauulit ni Judith Banal ang panalo niya nung 1997 Metropop sa pag-awit niya ng "Something I Wrote" ni Mon Espia. Huwag ring palampasin ang rendisyon ni Concert King Martin Nievera ng "Pag-uwi," entry nina Louie Ocampo at Joey Ayala. At ang huli, susubukan ni Niño Alejandro na sundan ang pagkapanalo ng tito niyang si Hajji at pinsang si Rachel sa pagkanta niya ng "I See You In Me" nina Arnel Sevilla at Alexander Castro.
Abangan ang 2001 Metropop Song Festival sa ika-26 ng Mayo, Sabado, alas-9 ng gabi sa GMA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended