Jomari, Aiko maghihiwalay!

Sa isang one-on-one interview kay Jojo Acuin, sinabi niyang hindi siya gumagamit ng bolang kristal, tarrot card at iba pang gamit sa panghuhula kundi ibinabatay niya ang vibration sa pamamagitan ng Extra Sensory Perception o ESP. Ibinabase din niya ang kanyang nararamdaman o vibration sa pagbibigay ng prediction sa iba’t ibang bagay gaya ng paglubog at pagsikat ng araw, paglitaw ng buwan, mga hayop-dagat na nasa ibabaw o ilalim ng dagat, naglalabasang mga insekto o iba’t ibang napapansin sa ating kapaligiran.

Bata pa si Jojo nang madama niya na may talento siya sa ESP. Pero para sa kanya, Diyos pa rin ang nakakaalam ng mangyayari sa ating buhay at kapalaran.

Narito ang ilan sa mga prediksyon ni Jojo sa showbis.

Kris Aquino
– Magkakaroon ng bagong pag-ibig sa taong ito at magiging masaya ang kanyang lovelife.

Aiko Melendez
at Jomari Yllana – Pitong taon ang ibinibigay na relasyon bilang mag-asawa pero magkakahiwalay din dahil nagkaroon ng third party na involve.
Cynthia Luster, Magbabalik-Pelikula
Kilalang-kilala si Cynthia Luster bilang magaling na martial arts expert. Nakagawa na siya ng pelikula sa bansa katambal si Edu Manzano na prodyus ng Solar Films.

May pelikulang ipalalabas ngayon si Cynthia titled Xtreme Warriors katambal si Zoren Legaspi. Ito’y isang international movie na punumpuno ng aksyon at suspense. Mas delikado ang mga stunts na ipinamalas nila kasama si Zoren at mga action stars mula sa Tsina at Amerika.

Swerte ang kambal kay Zoren dahil sa international movie na ito na palabas na mula sa Solar Films.
Priscilla, Masama Sa Loob Ang Naging Trabaho
Nakakwentuhan ko ang isang taong malapit kay Priscilla Almeda kung saan sinabi niya na nasa Amerika pa ang seksing aktres. Pero tapos na ang bakasyon nito sa kanyang tunay na ina at pamilyang nag-aruga sa kanya.

Ayon pa rin sa aking source ay nagso-soul searching ang aktres dahil nasabi nito minsan sa kanya na ayaw na niyang mag-bold. Mabigat din sa loob niya ang kanyang ginagawang paghuhubad sa pelikula. Sinasamantala din niya ang kanyang pag-iisa kung saan nakakapagpahinga siya dahil sa dami ng trabahong natapos sa bansa.

Tapos na ang Batang Westside ng aktres katambal si Yul Servo kung saan isasali ito sa Cannes Film Festival. Idinagdag pa rin ng aking source na normal na sa aktres ang ginagawang soul searching kaya minsan ay nawawala ito pansamantala sa limelight pero nangako ang magandang aktres na babalik din para tuparin ang ibang commitment sa bansa.
Cherry Pie, Dalaga Pa!
Ngayong buwan ay 31 years old na si Cherry Pie Picache pero wala pa ring planong mag-asawa. Nagi-enjoy pa siya sa kanyang pagiging dalaga at tumutulong hanggang ngayon sa kanyang pamilya. Gusto niyang kapag lumagay sa tahimik ay handang-handa na siya sa lahat ng aspeto ng buhay.

Kasama ang aktres sa Magic Adobo sa direksyon ni Laurice Guillen. Sinabi ni Cherry na naiiba ang pelikulang ito kung saan isang Pinay na nagtatrabaho sa New York ang papel na gagampanan niya.

Nangangarap ang aktres na sana’y makakuha rin siya ng acting award balang araw. Isa siya sa mga artistang may talino sa pag-arte kaya hindi nababakante sa pelikula at telebisyon.
Ronald, May Bagong Movie
Nakausap ko si Ronald Gan at masayang ibinalita na malapit nang ipalabas ang pelikula niya titled Pilak na may pagka-biblical ang tema. Ito’y isang action-packed movie kasama si John Regala kung saan kinunan ang mga eksena sa Holy Land at ibang magagandang tanawin sa Pilipinas.

Ang kwento ay tungkol sa 30 pirasong pilak na tinanggap ni Hudas sa pagnanais na mahuli at maghirap si Hesus. May mahalagang mensahe sa Pilak kung saan ang iba’y nasisilaw sa salapi kapalit ng pagkakaibigan at pagtalikod sa tungkulin. Tampok sina Via Veloso at mga international star na sina Dianne Zenn, Raul Casini, Kevin Maxwell at iba pa sa direksyon ni Roland Ledesma under MMG Films.
Malakas Uminom Ng Alak Ang Sikat Na Young Actress
May nakapagbulong sa akin na malakas din palang uminom ng tequila ang sikat na young actress na ito. Kapag tapos na ito ng taping o syuting ay nagyayaya ito sa mga barkadang taga-showbis para puntahan siya sa kanilang bahay at doon sila nag-iinuman. Nagtataka sila kung bakit nakakaya nito ang sarili kahit marami na siyang nainom na alak. Pero hindi siya nagpupunta sa ibang lugar para doon makipag-inuman dahil ayaw niyang may makakita sa kanya at maiiwasan nga naman ang intriga.

Ang maganda at sikat na aktres ay may sitcom at in-demand sa paggawa ng pelikula. Nanggaling ito sa angkan ng mga artista.

Show comments