Mystica, hahataw sa Kintaro

Ang exotic at seductive singer na si Mystica ay magsasabog ng luningning sa Kintaro sa May 5, sa Baliuag, Bulacan. Handang-handa na ang mga number niyang ipakikita sa mga taga-Bulakan. Ika-pitong taong anibersaryo ito ng Kintaro.

Nakumbinse ng may-ari ng Kintaro, na sina Mr. at Mrs. Kin Fukuda na maging special guest nila si Mystica. Sa Shangri-la Edsa Hotel nag-usap sina Vera Isberto, manager ni Mystica at Mr. and Mrs. Fukuda para sa show. Maraming sorpresang nakalaan para sa manonood ng pagtatanghal ng pinakaseksing singer sa bansa. — Vir Gonzales

Show comments