One final weekend with Gary V.

Matapos ang maraming ovations at encores, mapapanood si Gary Valenciano sa kanyang pinakahuling pagtatanghal ng kanyang concert series, ang Gary V.: By Request, The Repeat.

Mapapanood siya sa Mayo 4 sa pinaka-bagong concert hall na matatagpuan sa Makati Greenbelt, ang OnStage, sa ika-8:30 ng gabi.

Limang weekends tumakbo ang serye. Bawat palabas ay talagang dinumog ng mga manonood. Sa 10 palabas na ginawa ni Gary V., ipinamalas niya ang kanyang versatility bilang isang first rate artist.

Hindi naman nagdamot si Gary sa sunod-sunod na kahilingang magbalik siya sa stage tuwing makakatapos ang kanyang palabas.

Pinasaya niya ang kanyang audience sa pamamagitan ng mga awit na kinagiliwan sa kanya ng madla. Kumanta pa rin siya ng mga awitin na hindi pa naririnig ng tao na kinanta niya, gaya ng awitin ni April Boy Regino ("Di Ko Kayang Tanggapin"), at Jessa Zaragoza ("Bakit Pa").

Inawit din niya ang mga signature songs niyang "Reaching Out", "Sana Maulit Muli" at "Take Me Out Of the Dark". Sa kanyang album na "Revive", kinanta niya ang "I Believe", "Warrior Is A Child" at "I Will Be Here".

Sa kanyang final show, aawit siya ng medley ni Barry Manilow at Hotdog at mga hits nina Ricky Martin, Michael Jackson, Earth Wind & Fire, Regine Velasquez at Martin Nievera.

Throughout the concert series, maraming kaibigang celebrity si Gary V. na nanood ng show. Sina Martin Nievera, Zsazsa Padilla na nakipag-duet sa kanya, Aga Muhlach, Charlene Gonzales, Donita Rose, Janice at Gelli de Belen, Julius Babao at Tintin Bersola.

Ang Gary V: By Request ay prodyus ng Manila Genesis Entertainment at ang tiket ay nagkakahalaga ng P1200, P800 at P600.

Show comments