Geneva on Erap

Bilang artista, ano kaya ang reaksyon ni Geneva Cruz sa kinasapitan ni dating Pangulong Joseph Estrada na isa ring artista, sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa ating lipunan? "Sana ay maging mahinahon ang lahat at sumunod tayo sa sinasabi ng batas. At doon sa mga nagra-rally sa EDSA, igalang din natin ang kanilang karapatan na ipahayag ang kanilang damdamin."

In a way, naawa rin naman ako sa dating pangulo, kaya lang naman nag-alsa ang mga mamamayan ay dahil sa maling pagtrato nila sa kanya. ’Yung part na naka-full battle gear pa ang mga pulis sa kanyang tahanan ay parang over na. Igalang natin siya at bigyan ng magandang trato. Ano man ang kasalanan niya, huwag nating kalilimutan na naging pangulo siya ng bansa, hindi siya ordinaryong tao. – LMS

Show comments