^

PSN Showbiz

Sa labanang Ted vs Alfred: Kring-Kring, nabastos !

-
Hinuhukay na yata ni Ted Failon ang sarili niyang libingan dahil lamang sa ambisyon niyang manalo sa darating na eleksyon.

Binabastos na niya ang misis ng kalaban, si Cristina Gonzales. Bakit ayaw niyang puntiryahin si incumbent Cong. Alfred Romualdez? Para lalaki sa lalaki ang labanan. Desperado na ba siya?

Sabi ni Ted, Japayuki raw dati si Kring-kring (palayaw ni Cristina). May pruweba ba siya? Hindi ba ang isang babae ay dapat lang igalang? Ano itong ginagawa ng dating broadcaster na pati sarili niyang pangalan ay ayaw banggitin? Mario Larry Etong. Ikinahihiya ba niya ang pangalang kinagisnan?

Tuluyan nang na-turn-off ang mga taga-Tacloban, Leyte dahil sa palpak na campaign strategy ni Larry Etong, pinagandang Ted Failon. Sa halip na purihin niya ang kanyang sarili at sabihin kung ano ang kanyang plataporma, pambabastos kay Kring- kring ang kanyang inaatupag.

Wala kasing makuhang mali ang dating broadcaster sa mga achievements ni Alfred sa bayan niyang pinaglilingkuran. Kahit saan siya tumingin, nagdudumilat ang katotohanan ng asensong natamo ng Tacloban sa batambata at maginoo nilang congressman.

Kawawang Larry Etong, este, Ted Failon pala. Nagising na kasi ang mga tao, lalo na ang mga taga-Tacloban na nagnanais na "patulugin" na siya. Tama lang na iwan na niya ang Hoy Gising! Hindi na siya bagay dito. Hindi siya isang maginoo sa labanan. Hindi siya tulad ng ibang mga broadcasters na mula ulo hanggang paa ay isang tunay na maginoo. Gumagalang at irerespeto ang isang babae. Nakalimutan yata ni Ted na isa ring babae ang kanyang ina.

ALFRED ROMUALDEZ

CRISTINA GONZALES

HOY GISING

KAWAWANG LARRY ETONG

KRING

LARRY ETONG

MARIO LARRY ETONG

SIYA

TACLOBAN

TED FAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with