Carmina, back-to-work na

Grabe pala ang nangyari sa isang model na ex-girlfriend ng isang actor. Late na raw na-detect ng doctor na may cancer siya sa may ilalim ng breast na kailangan agad operahan. Grabe na raw ang cancer at bibihira ang ganitong sakit.

Pinag-usapan siya nang maka-on niya ang actor na hindi nagtagal ay nagpakasal sa iba at ngayon nga ay may anak na. Akala noon ng marami, siya na ang mapapangasawa ng actor.

At ngayon nga bukod sa kanyang sakit ay pinag-uusapan siya dahil plano pala siyang pakasalan ng isang cabinet member ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
*****
Saludo ako sa ginawa ni Kris Aquino na pag-amin na may disorder (autistic) ang anak niyang si Joshua. Sa mismong column niya sinabi ang tungkol sa condition ng anak niya.

Naka-relate si Kris sa best-selling book na The Survivor kung saan ang kuwento ng libro ay tungkol sa independent mom na may disorder ang anak.
*****
Back to work si Carmina Villaroel.

Nagti-taping na siya for Okatokat at tumatanggap na rin ng mga out-of-town-shows. Ayon sa isang source ng Baby Talk, normal na ang takbo ng buhay ni Carmina ngayon.

Balewala na raw sa kanya ang mga sinasabi ng iba tungkol sa umano’y panganganak niya. "Kailangan niya rin siyempreng maghanap-buhay kaya nagta-trabaho na siya," say ng source ng Baby Talk.
*****
Hindi na kailangan ng artista sa mga sorties ni Congressman Sonny Belmonte na tumatakbong mayor ng Quezon City. Minsan kasi ay nag-meeting ang grupo ni Cong. Belmonte sa lugar namin (De Vera St., SFDM). Sarado ang buong kalye sa kapal ng tao na gustong marinig ang mga sasabihin ng isa sa mga bayani ng impeachment trial.

Actually, hindi ko alam na may meeting sa lugar namin. Pauwi na ako nang ma-diskubre kong may meeting pala si Congressman. Kaya naman nakipanood ako at nakinig sa sasabihin ni Congressman na bagama’t medyo may edad na ay malakas pa rin ang sex appeal sa kababaihan. Naririnig ko ngang nagbubulungan ang mga katabi ko na guwapo pala si Mr. Belmonte sa personal at mukhang bata pa.

Makabuluhan ang bawat sinabi ni Congressman Belmonte kaya naman sigawan at palakpakan ang lahat.

Naririnig ko pang pinag-uusapan nila kahit hindi nag-meeting si congressman sa lugar namin, talagang Belmonte sila.

Anyway, may isa pa akong kaibigan na entertainment editor ng isang broadsheet na solid kay Congressman. In fact, may sarili siyang campaign in favor of Belmonte - txt messaging.
*****
Click na click ngayon ang Camila ng ABS-CBN. Lahat yata ng nakakausap ko, nagkukuwento ng tungkol sa bagong telenovela ng Dos. Everyday nila pinapanood at alam kung ano ang nangyayari sa kuwento.

Very Filipino kasi ang beauty ng bida sa Camila. "Mas magandang version siya ni Patricia Javier," comment ni Ms. Ethel Ramos na everyday din nanonood ng nasabing telenovela.

Isa ring masugid na viewer ng bagong telenovela ang assistant sports editor namin na si Beth Repizo.

Maging ang nanay ko, pag-11:30 hangga’t maaari ayaw niyang umalis ng bahay dahil mami-miss niya raw ang Camila. Kaya naman nakikinood na rin ako.

Simple lang ang kuwento ng telenovela. Isang barrio girl si Camila na na-in love at nagpakasal sa isang abogado na ginagampanan ni Eduardo Capetillo na kasama ni Thalia sa Marimar. Pero may ambisyon ang abogado at napasubo siya kaya pinakasalan ang anak ng amo ng pinapasukan niyang opisina. Pero kahit nagpakasal na siya sa iba, si Camila pa rin ang nasa puso at isip niya. Iniwan niya si Camila at pagkatapos ng kasal ay pilit niyang hinahanap.

May mangyari kaya sa paghahanap ni Miguel (Capetillo) kay Camila na nagta-trabaho ngayon sa isang sikat na spa at gym? Ano ang mangyayari ngayong nakita ni Camila si Monica sa pinapasukan niya?

Well, panoorin n’yo na lang dahil exciting ang episode nila everyday.

Maging kasing lakas din kaya ng Marimar o Rosalinda ang Camila? Nagkaroon ng pagkakataon noon na lahat ng tao, pagdating ng alas-6:00 tumitigil sa trabaho para panoorin ang Marimar. Na-feature pa ito noon sa CNN. Hanggang bumisita nga sa bansa si Thalia.

Si Capetillo ay minsan na ring pumunta sa bansa. Kaya I’m sure, one of these days darating na rin si Camila sa bansa.
*****
Umaarte raw si Vina Morales sa pictorial ng bago nilang drama series sa ABS-CBN opposite Diether Ocampo with Carmina Villaroel. Sinabi ng source ng Baby Talk, hindi matuloy-tuloy ang pictorial dahil kay Vina. "Eh di palitan kung umaarte. Pasalamat nga siya at nakasama siya sa regular show na hindi siya sasayaw at kakanta lang," react ng isang observer.

True. Dapat hindi na umaarte si Vina. Ipakita niyang deserving siya sa nasabing break dahil maraming kakategorya niya ang walang trabaho.
*****
Aminado si Richard Gomez, na may kaibigan siyang nalulong sa droga. Ito ay sa kabila ng kanyang kampanya laban dito sa pamamagitan ng Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD). "Masakit isipin, pero nandoon na ‘yun at ang ginagawa namin ngayon ay tulungan sila kung paano makawala sa ganoong sistema," paliwanag ng aktor sa isang presscon na sponsor ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films.

Isa rin sa ini-emphasize ni Richard sa nasabing presscon ay ang controversy sa kanilang organization na umano’y na-disqualify bilang party list candidates dahil sa reklamo ng ilang organisasyon. "Mga kalaban lang namin ang nagsasabi no’n. Dumaan kami sa tamang proseso. Nai-submit namin sa Comelec ang lahat ng mga documents na kailangan so wala kaming nilabag sa batas kaya hindi kami puwedeng ma-disqualify," he says.

1999 nang itatag ni Gen. Jewel Canson ang MAD. At ngayon nga ay kasama sila sa na-accredit sa Party List.

Ang MAD ay isang multi-sectoral movement kasama ang non-government organizations, civic, business and social clubs, youth group and women’s organizations, academe and individuals.

Show comments