Campaign gimmick ni Ara Mina?

Simula nang makilala ni Ara Mina ang kanyang tunay na ama ay hindi na nawala ang intriga sa kanilang dalawa. Bagkus ay lalo pa itong nagkakaroon ng iba’t ibang kulay dahilan lamang sa tumutulong siya sa kampanya ng ama. Pero kahit ano pa ang sabihin ng iba walang pakialam si Ara Mina. Kahit ma-pagod sa mga sorties ng kanyang ama ay gagawin niya makatulong lang dito. Sa katunayan ay may gimik pang naisip si Ara na magdaos ng singing contest sa bawat barangay ng Kyusi. Kakantahin lamang nila ang "Ooops, Teka Lang" at sa mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na maka-date siya sa mismong kaarawan niya sa May 9, bago mag-eleksyon.— LMS

Show comments