Promding superstar

Mahal pa rin ni Caloocan Mayor Rey Malonzo ang daigdig ng showbis. Kaya lang sa dami ng problemang kinakaharap sa kanyang nasasakupan, hindi magawang makihalubilo ni Rey sa mga taga-showbis. Ngayon niya napagtantong talaga palang mahirap ang pulitiko kesa maging artista.

Marami nga ang natutuwa dahil sa kabila ng maraming intriga na kinakaharap ni Mayor Rey, nalalampasan niya ito. Kung tawagin nga siya ay siling palay. Siling palay na super anghang. Kahit maliit lang, maanghang at malakas ang dating. Noong araw nga, may production siya, kung tawagin niya ay Twin Dragon Films na lumalaban din.

Nakapareha na niya noon sina Nora Aunor at Vilma Santos at tinawag nga siyang promding superstar.– VG

Show comments