'Sing-Galing,' di kayang gayahin!

Kantahan pagsapit ng alas-siyete, sa Sing-Galing nina Allan K at Aiai de las Alas. Atraksiyon pa rin sa mga manonood ang magical genie na bigla na lang sumusulpot kung ang pag-awit ng contestant ay sala sa tono. Kaya naman kung hindi kayang sabayan ang videoke ng may tamang tono, at liriko, siyempre out ka na sa t’yansang makapag-uwi ng pa-premyo at tanghalin bilang Videoke Singing Star of the Night. This Sunday, mga unforgettable singers ang bibisita sa Sing-Galing upang sukatin ang kanilang walang kupas na galing. This time, against each other ang challenge kina Isay Alvarez, Dyords Javier at Pinky Marquez.

Matapos i-exercise ang inyong vocal chords sa pakikipagsabayan sa Sing-Galing ay dako naman sa kalsada ang tropa ng Singko upang mulang mag-abang ng mga willing and unwilling victims para sa kanilang sangkatutak na pranks. Walang pikunan, katuwaan lang kasama ng master of Wow Mali! na si Joey de Leon.

Pagtuntong ng alas-nueve, sayawan time naman sa pag-ere ng Eezy Dancing, kasama sina dance king Ralion Alfonso at former Bb. Pilipinas Universe Nina Ricci Alagao. Para kang nakalibre ng ballroom dancing lesson sa EZD; sundan lang ang direksyon ng mga certified dancesport athletes na sina Egai Bautista, Acel Gallardo at Ednah Ledesma at tiyak, ‘di ka na magmumukhang wallflower when you join one ballroom nite out with your amigas. Guests ngayong Linggo sa programa sina Manilyn Reynes, Maricel Morales, Biboy Ramirez, plus other surprise guests. Patuloy na subaybayan ang mga orihinal na programang tatak ABC-5, tuwing Linggo.

Show comments