Magugunitang si Siguion-Reyna na naging chairman ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang siya ay ilagay sa puwesto ng dating Pangulong Joseph Estrada. Si Armida rin ay isa sa mga kaibigan ni Estrada na hindi bumaligtad sa kanya.
"Ako ay isang tapat na kaibigan. Si Erap ay kaibigan ko. Ngayon, malaki ang problema niya, hindi ako yung tipo ng kaibigan na malaki ang problema ng kaibigan kong si Erap dadamputin ko siya at ilalagay ko siya sa basura. Hindi. Ngayon maaari siyang maaresto, bukas, sa makalawa, o sa isang linggo, hindi ko siya iiwanan bilang isang tapat na kaibigan."
Sinabi rin niya na kung gaano siya katapat na kaibigan ay ganoon din siya katapat sa paglilingkod na gagawin niya kapag nailuklok sa Mababang Kamara.
Sinabi rin ni Senador Juan Ponce Enrile na kanyang tutulungan si Armida, "Ako ay nasa likuran ng aking kapatid, pagdating sa Senado aking susuportahan ang mga panukalang batas na kanyang ilalatag sa Kongreso," sabi niya.