"Once nagkasabay na rin kami ni Ate Vi sa isang sortie," kwento ni Shawie during the launching of her latest album from Viva Records, ang "Sharon Nothing I Want More". "Pero hindi kami nagkita. Nakita ko siya kasama ang Mommy niya at sister pero nakatulog ako sa pagod. Paggising ko naman ay hinahanap ko siya, pero wala na siya. May nagsabi sa akin na maaga siyang gumising at umalis na."
Sinabi ng Megastar na ngayong nalalapit na ang eleksyon ay maghihiwalay na sila ng kampanya ng kanyang mister na si Atty. Kiko Pangilinan. "Marami pang areas na hindi pa namin napupuntahan kaya, kinakailangang maghiwalay kami para mapuntahan ang mga ito," sabi niya.
Also, pagkatapos ng eleksyon ay saka na niya mahaharap ng puspusan ang kanyang pagpapayat. "I promise to get back into shape although I feel fine now. I have a great marriage, KC is 16 and Frankie is 4 months na parang one year na. Yes, she’s big for age. Wala akong problema, kahit marami akong utang, mataba ako at malaki ang legs ko," dagdag pa niya.
Mag-iisang taon na nang simulan niya ang trabaho para sa album.
"Nagpapapayat pa ako nun at nagdarasal na magkaroon ng anak. Ginagawa ko pa rin ang movie ko with Richard (Gomez, Minsan Minahal Kita). Nang naipalabas na ito at sexy na ako saka naman ako nagbuntis. Tumaba akong muli pero, nagpatuloy ang pagpapalabas ng Sharon."
Natapos ang album dalawang buwan makaraan niyang isilang si Frankie. Binubuo ito ng mga awitin na revivals na aniya ay "Masarap Kantahin." Gaya ng "Nothing I Want More," ang carrier single at unang pinasikat nina Eugene Villaluz at Louie Reyes. Ang dalawa ang nagsilbing back up sa version ng awitin ni Sharon sa album. Kasama rin sa album ang "Don’t Forget Me," "Careless Whisper," "Even Now/Somewhere Down The Road Medley," "He’s Out Of My Life," "The Promise" at marami pa.
Nahuli si Magpili na nagpapalabas ng mga pirated tapes ng mga pelikulang Reputasyon, Aringkingking, Manila Girl, The Adventures of Pinochio, 3 Ninjas, Bounty Hunters, The Preacher’s Wife, Alyas Boy Ama, Nagmumurang Kamatis at Ang TV Movie Ibong Adarna.
Ang conviction na kauna-unahan sa kasaysayan ng cable communications sa bansa ay pinapurihan nina Remy Monteverde at Atty. Esperidion Laxa, presidente at chairman ng Anti-Film Piracy Council. Tinatayang nalulugi ang industriyang lokal na pelikula ng P500M dahilan sa piracy.
"Hindi naman ako nagsisisi na nakasama ako sa gabinete ni Erap na isang kaibigan. Lalong hindi ko pinagsisisihan na sinamahan ko siya hanggang sa huling sandali ng kanyang panunungkulan. Hindi ako ang tipo na nang-iiwan ng kaibigan kahit ano pa ang kalagayan niya," ang taimtim niyang sabi sa isang hapunan na ibinigay para sa kanya ni Mother Lily Monteverde bilang suporta sa kanyang kandidatura.
Bukod sa pagiging Exec. Sec., naging pangulo din siya ng UP, senador, at Agriculture secretary. Siya pa rin ang kinikilalang father of Senior Citizens Act, Magna Carta for Public Health Workers , Philippine Health Insurance, Magna Carta for Small Farmers, Agriculture Fisheries and Modernization Act at marami pa.
"Hinihiling ko lamang sa mga botante na hindi isyu si ERAP sa aking kandidatura. Tingnan n’yo ang aking track record. Dun n’yo ako husgahan," pakiusap niya.