Ang Binangonan ay isa sa itinuturing na bayang mayaman sa sining, kultura at tradisyon. Taun-taon ay dinarayo ng maraming panauhin ang kanilang santakrusan.
Ang santakrusan ay sa pagtataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid sa pamumuno ni Brgy. Chairman, Larry G. Arada, at sa pakikipagtulungan nina Gng. Nini A. Ynares, G. at Gng. Joel Gaviño, Zennie Matematico, Victor Santos, Noli Tiraña, Giga Bytes Computer at Federation of Binangonan Women’s Club sa pamumuno ni Dra. Rose Martha C. Ynares, mga designer na sina Dante Quismundo, Aya Lozada at Kabalikat Civicom para sa prusisyon.
Si Gomer O. Celestial ang puno ng komite ng santakrusan.
Ang gown na isusuot ni Jodi ay nilikha ng sikat na designer na si Joel Niones na mayroong shop sa Brgy. Pag-Asa sa Binangonan, Rizal.
Si Aidrian Matienzo, kasapi ng Junior X Funk Dancers ang magiging konsorte. Sina Pearl Dianne Doblada naman ang Reyna Elena I, Precious Pascual, Reyna Elena II, Jaquiline Gregorio, Elaine Cueto, Tracy Lipio, Joy Dotado, at April delos Reyes, bilang Reyna delas Flores.