^

PSN Showbiz

MTCRB chief, masisibak agad?

-
May naririnig akong balita na ang MTRCB chairman na si Alejandro Roces ay hindi magtatagal sa kanyang puwesto at ang ipapalit daw ay ang ex-chairman na si Henrietta Mendez. Kalat na kalat na raw ang balita sa lahat ng production offices ng mga movie companies. Mas pinangangambahan yata ng movie industry si Mendez kaysa kay Roces. Marahil nagsimula ang balita sa pagdalaw-dalaw ni Etta Mendez sa bagong opisina ng MTRCB sa Atlanta Building sa Greenhills.

May nagsasabi namang hinihintay ng Malacañang ang resulta ng eleksyon sa darating na Mayo 14 upang maitatag ang bagong policy at pamunuan ng MTRCB. Ang sabi sa akin ng kapatid kong nagtatrabaho doon, contrary to the television exposure na may pagka-palaban si MTRCB chief Alejandro Roces, magaan ang dating nito sa mga staff. He is reasonable, defined, malinaw magsalita at mabilis kumilos in spite of his reported age of 76. Ang sabi raw, si Mr. Roces is not entirely new in the movie industry –his family produced films, and instituted the first movie awards which is the Maria Clara Awards, the predecessor of Famas. He was a college professor, a department secretary during the time of President Diosdado Macapagal, a book writer and publisher.

Siyempre, si Mr. Roces ay mula sa angkan ng mga peryodistang Roces na may-ari dati ng Manila Times at Taliba. Sikat sila sa anumang uri ng paniniil sa human rights, diktadurya at korapsyon sa gobyerno. Kaya hindi ko talaga maisip kung bakit magiging iba ang pananaw ni Mr. Roces kung tungkol sa censorship din lamang ang pag-uusapan. At gayon din daw ang feeling ng mga "rebeldeng" direktor. Apparently, hindi talaga magkakatugma ang saloobin at kaisipan ng mga tinatawag na A-list directors na tumiwalag sa KDPP at nag-form ng DGPI. Ngayon ay may mga sampu na raw DGPI members ang nag-resign. Ang ibig kayang sabihin nito ay magtatatag sila ng bagong organisasyon? Kabilang sa mga napabalitang nag-resign ay sina Peque Gallaga, Chito Roño, Joyce Bernal, Olive Lamasan, Rory Quintos, bukod pa kina Marilou Abaya at Laurice Guillen.

Maraming kasabihan sa ating mundo na nabubuo dahil sa mga in na expression ng mga tao at sa bilyong-bilyong populasyon, wala raw dalawang nilalang kahit pa nga kambal na nilikhang parehong-pareho sa lahat ng bagay. Kaya magkakaiba ang paniniwala ng tao sa halos lahat ng aspeto ng buhay. Sa kabila ng di mabilang na batas ng bansa wala pa ring tigil ang katiwalian, kontrobersiya, pagtatalo –depende nga sa nakararami o inaakalang nakararami dahil Vox Populi, Vox Dei. Ang boses ng populasyon ay boses ng Diyos. Ang resulta nga raw ng eleksyong ito ay mas may katiyakang kasagutan sa kuwestiyon na kung sino ba talaga ang Presidente ng Pilipinas, si Erap pa ba o si GMA na?

Mapapansin din sa reports sa telebisyon na may mga bigla lamang sumusulpot na mga "manggagamot" o "sugo ng Diyos" at laking himala naman na marami-rami rin ang kanilang nahihikayat – sa malaking bahagi ay dahil sa publicity at promosyon na nakukuha nila sa media. Pero laking himala rin na parang sakit ng tiyan ay naglalaho rin ang bisa ng kanilang panggagamot. Ilan sa kanila raw ay "malinis" ang pakay, ang karamihan ay "komersyal" dahil lahat naman yata ngayon ay napapagalaw ng pera.

Kapansin-pansin din ngayon sa telebisyon ang announcement ng ilang kompanyang Chinese, Australian, Mexican at iba pang bansa tungkol sa beauty and health. Kung paniniwalaan mo ang kanilang commercials na ikaw ay tatangkad tatangos ang ilong, lalaki ang boobs, papayat ka, gaganda ang iyong kutis, kikinis ang buo mong katawan, baka maging ganap ka ng diyosa ng kagandahan basta bilhin at gamitin mo lang ang mga ito.

Panahon pa ni Nonette Lim noong 90s na siyang nagpauso ng tinatawag na growth balls na isang produktong ihahalo mo sa mainit na tubig at iinumin mong parang tea at tatangkad ka na.

Marami akong alam na sumubok ng growth balls na hindi naman tumangkad pero tumaba sila, depende rin siguro sa metabolism ng taong gagamit nito.

Maraming nagsasabing fad o uso-uso lang daw ang iba’t-ibang produktong pampaganda.

Mayroon pang parang spring cylinder na ipapasok mo sa iyong ilong at aangat na ang iyong nostrils kaya magmumukhang matangos ang ilong mo. Matangos nga ang ilong mo pero paano naman kung madalas kang magbahing o lagi kang may sipon. Problema tiyak.

Sa panahon ngayon, sa tulong ng lehitimong medisina at science, lahat daw ng bahagi ng iyong katawan pati ang mga internal organs ay puwede nang palitan.

Sa daigdig ng entertainment, maging dito sa atin, napapabalita o natsitsismis na dumaan na raw sa kamay ng mga surgeons ang mga mukha o katawan nina Vilma Santos, Boyet de Leon, Kuh Ledesma, Nora Aunor at maging si Erap na nagpa-lipo na rin daw.

Maraming bold stars o bold star aspirants ang nagpadagdag ng kanilang dibdib para maging ganap na kaakit-akit sa kanilang audience. Ang ibang artista ay hindi na inililihim ang kanilang plastic surgery tulad ni Rosanna Roces at Armida Siguion Reyna, pero ang iba patay malisya lang sa tsismis tulad ni Janno Gibbs.

Ang dating national beauty queen turned actress na si Rosemary de Vera ay nakapag-asawa ng isang U.S. businessman at ang kanyang kapatid na si Dr. Arnold de Vera ay nagbalik na sa Pilipinas some years ago and now practicing his profession as a licensed cosmetic plastic surgeon. Ang sabi ni Dr. Arnold, hindi lahat ng mukha o lahat ng tao ay puwedeng sumailalim sa proseso ng plastic surgery.

Hindi mo basta-basta maooperahan ang isang babaeng may mukhang Gretchen Barretto o Kristine Hermosa o Amalia Fuentes noong kabataan niya. Marami daw dapat bigyan ng konsiderasyon. Ang bone structure, ang kalusugan nito at ang lifestyle. Pero ang nose lift, bust lift, removal of eyebags, are routine.

He says that the best thing someone can do is to consult your doctor and there are many practicing in town. Dr. Arnold has his own clinic at E. Rodriguez Sr. Avenue in Cubao and his telephone number is 721-2592.
*****
Email:[email protected]

ALEJANDRO ROCES

DR. ARNOLD

MARAMING

MR. ROCES

ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with