Angelica Jones, tumanggap ng public apology sa ex-manager!
April 20, 2001 | 12:00am
Isang masayang dalaga ang nakita namin at nakausap kamakailan lamang sa isang function room ng Rembrandt Hotel.
May malaking dahilan para magdiwang at magbunyi ang mag-inang Angelica at Mrs. Jones. Matapos ang anim na taong pagsasampa ng kasong child abuse laban sa dati niyang manager, nagharap sila nito finally sa korte at nagkasundo matapos na ito ay humingi ng paumanhin sa kanila ng kanyang ina for whatever pain he might have caused them.
"I was offered P2M nun para iurong ang kaso pero, hindi ko ginawa. Hindi naman pera ang habol ko kundi ang mapatotohanan na hindi ako naglubid ng kasinungalingan sa aking demanda, na katarungan ang hangad ko," panimula ni Angelica sa harap ng maraming entertainment press na inimbita nila para maging witness sa ginawang paghingi ng public apology sa kanila ng kanyang dating manager na napapanood sa national TV. Present din ang abogado ni Angelica na babayaran ng dating manager ng halagang P150,000 bilang attorney’s fees.
"Kung hindi ko ipinagpatuloy ang demanda baka hinalain pa ng mga tao na nabayaran ako. Kahit natagalan ito dahil isa itong criminal case, happy na ako na napatunayan ko na totoo ang mga sinabi ko six years ago," dagdag pa ng magandang artista.
Matatandaang napakabata pa ni Angelica nang isampa niya ang kaso. Eighteen years old na siya ngayon, nakapag-debut na at umaangat na finally ang career sa showbiz.
"Wala na akong bitterness na nararamdaman. I have been vindicated. Sinabi ng aking dating manager na ang pagkakasundo namin ay magsisimula ng kanyang pagbabago. Umaasa na lamang ako na pareho na kaming matahimik sa mga naging kaganapan," pagtatapos ni Angelica.
Hanggang ngayon, si Noli Boy de Castro pa rin ang nangunguna sa mga surveys na ginagawa among senatoriables. Sa isang masaganang tanghalian na kung saan ay nakasama namin ng maraming entertainment press sila ng kanyang kabiyak na si Arlene de Castro, sinabi ng outstanding broadcaster na si Kabayan Noli at ngayon ay tumatakbong senador bilang isang independent candidate na "Naliligayahan ako dahil every election kandidato ako di lang natutuloy, ngayon lang."
Ang survey na ginawa ng isang La Salle University-based firm ay nagpatunay ng popularidad ni Kabayan na sinundan ni Sen. Juan Flavier sa pangalawang puwesto.
Ang kompanya ay nag-survey sa 2,100 respondents sa mga piling key cities at municipalities in all regions of the country.
Bakit ba wala ni isa mang kandidato ang honest enough to say na gumagastos sila sa sarili nilang kampanya?
Lahat ng TV ads, posters and other campaign materials are said to be donated by friends of the candidates. Bawal bang gumastos sa sarili nilang kampanya ang mga kandidato? Hindi naman siguro, ang bawal siguro ay yung gumastos sila ng mas mataas sa kapasidad nila at baka hinalain na pera pa yun ng gobyerno. Ito ang bawal.
Pero siguro, ke donasyon o hindi ang gastos, dapat hindi ito lumampas sa halagang itinatadhana na dapat gastusin ng isang kandidato.
May mga bagong video movies ang Video City para ngayong summer. Ang mga pelikulang ito ay tinatayang magbibigay ng shivers sa mga manonood dahilan sa kanilang tema. Isa na rito ang Frozen ni Stephen King. Tatayo ang inyong mga balahibo sa takot dahilan sa tungkol ito sa mga patay na tao, kulam at snowstorms.
Sa mga mahihilig sa aksyon, naririyan ang Chill Factor ni Cuba Gooding Jr. Tungkol sa isang ice cream delivery man na napilitang makipagtulungan sa isang lalaki para malinis ang pangalan niya.
Nakakakilig naman ang romansa nina Moira Kelly at DB Sweeney sa ibabaw ng yelo sa pelikulang Cutting Edge.
Nasa yelo rin ang serye ng Mighty Ducks tungkol sa ice hockey. Tampok sina Emilio Estevez at Joshua Jackson ng Dawson’s Creek.
Dalawa namang pelikula ang nagtatampok sa bansang Alaska. Ito ang Alaska: An Unbelievable Journey, starring Thora Birch at Mystery Alaska tampok si Russell Crowe.
May malaking dahilan para magdiwang at magbunyi ang mag-inang Angelica at Mrs. Jones. Matapos ang anim na taong pagsasampa ng kasong child abuse laban sa dati niyang manager, nagharap sila nito finally sa korte at nagkasundo matapos na ito ay humingi ng paumanhin sa kanila ng kanyang ina for whatever pain he might have caused them.
"I was offered P2M nun para iurong ang kaso pero, hindi ko ginawa. Hindi naman pera ang habol ko kundi ang mapatotohanan na hindi ako naglubid ng kasinungalingan sa aking demanda, na katarungan ang hangad ko," panimula ni Angelica sa harap ng maraming entertainment press na inimbita nila para maging witness sa ginawang paghingi ng public apology sa kanila ng kanyang dating manager na napapanood sa national TV. Present din ang abogado ni Angelica na babayaran ng dating manager ng halagang P150,000 bilang attorney’s fees.
"Kung hindi ko ipinagpatuloy ang demanda baka hinalain pa ng mga tao na nabayaran ako. Kahit natagalan ito dahil isa itong criminal case, happy na ako na napatunayan ko na totoo ang mga sinabi ko six years ago," dagdag pa ng magandang artista.
Matatandaang napakabata pa ni Angelica nang isampa niya ang kaso. Eighteen years old na siya ngayon, nakapag-debut na at umaangat na finally ang career sa showbiz.
"Wala na akong bitterness na nararamdaman. I have been vindicated. Sinabi ng aking dating manager na ang pagkakasundo namin ay magsisimula ng kanyang pagbabago. Umaasa na lamang ako na pareho na kaming matahimik sa mga naging kaganapan," pagtatapos ni Angelica.
Ang survey na ginawa ng isang La Salle University-based firm ay nagpatunay ng popularidad ni Kabayan na sinundan ni Sen. Juan Flavier sa pangalawang puwesto.
Ang kompanya ay nag-survey sa 2,100 respondents sa mga piling key cities at municipalities in all regions of the country.
Lahat ng TV ads, posters and other campaign materials are said to be donated by friends of the candidates. Bawal bang gumastos sa sarili nilang kampanya ang mga kandidato? Hindi naman siguro, ang bawal siguro ay yung gumastos sila ng mas mataas sa kapasidad nila at baka hinalain na pera pa yun ng gobyerno. Ito ang bawal.
Pero siguro, ke donasyon o hindi ang gastos, dapat hindi ito lumampas sa halagang itinatadhana na dapat gastusin ng isang kandidato.
Sa mga mahihilig sa aksyon, naririyan ang Chill Factor ni Cuba Gooding Jr. Tungkol sa isang ice cream delivery man na napilitang makipagtulungan sa isang lalaki para malinis ang pangalan niya.
Nakakakilig naman ang romansa nina Moira Kelly at DB Sweeney sa ibabaw ng yelo sa pelikulang Cutting Edge.
Nasa yelo rin ang serye ng Mighty Ducks tungkol sa ice hockey. Tampok sina Emilio Estevez at Joshua Jackson ng Dawson’s Creek.
Dalawa namang pelikula ang nagtatampok sa bansang Alaska. Ito ang Alaska: An Unbelievable Journey, starring Thora Birch at Mystery Alaska tampok si Russell Crowe.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am