Kasama ito sa kampanyang panatilihing malinis hindi lang ang ilog kundi pati ating kapaligiran sa pamamagitan ng wastong pagtapon ng basura. Kaya makisali kina Jaya at Lani Misalucha na magbibigay ng mga nakakaantig na awitin kasama ang APO Hiking Society, III of a Kind, Hotlegs at Whiplash.
Ang highlight nito ay isang mini-fashion show kung saan tampok ang mga damit mula sa recycled garbage na gawa ng avant-garde designer gaya nina Steve de Leon, Edgar San Diego at Anne Reizer. Markahan ang inyong mga kalendaryo para hindi ninyo malimutan ang Biyaheng Pasig-Payatas sa Sabado, April 21, 9:00 pm sa GMA.