Showbiz child, nalululong sa drugs!
April 17, 2001 | 12:00am
Parehong taga-showbiz ang kanyang mga magulang, parehong sikat pero magkahiwalay at mayro’n nang sari-sariling pamilya. Happy naman si Son sa kanyang life, kaya marami ang nagtataka kung bakit binibigyan niya ng problema ang kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagda-drugs. Worried ang mga parents niya sapagkat ang tuluyan niyang pagkalulong sa bawal na gamot ay magbibigay ng batik sa kanilang magagandang pangalan. Ang siste mo pa, hindi alam ni Son na kasalukuyan na siyang minamanmanan ng mga ahente ng pamahalaan laban sa bawal na gamot sapagkat bukod sa pagiging isang biktima ay hinihinala rin na siya ay nagtutulak which is a crime punishable by death.
Balak na pala ng pamilya Villame, Yoyoy, Tessie at Hanna na mag-migrate sa Canada. Sa dalas ng kanilang pagpunta ro’n at pagko-concert, napatunayan nila na maganda ang hinaharap nila dun kaysa dito.
Sa kasalukuyan ay naruro’n pa ang pamilya at kasalukuyang nagbibigay ng kasiyahan sa maraming Pilipino na naninirahan dun. Kapag nakabili sila ng bahay dun ay baka matuloy na ang kanilang plano na dun na manirahan.
Marami nang nagagampanang role si Clair Forlani sa pelikula pero, mas marami ang nakatatanda sa kanya bilang doktor na umibig kay Kamatayan na ginagampanan ni Brad Pitt sa Meet Joe Black. Ngayon naman ay girlfriend siya ni Ryan Phillippe sa Antitrust.
Katulad ng kanyang role sa nasabing pelikula, isa ring painter si Clair. Nag-aral siya ng pagpipinta sa London Arts Educational School na kung saan ay kumuha rin siya ng dance at drama. Isang Italyano ang kanyang ama at ang ina naman niya ay British. Nagsimula siya ng kanyang pag-aartista sa gulang na 20 sa British TV. Unang pelikula niya ang JFK Reckless Youth bilang mistress ng namatay na pangulo. Naging anak siya ni Sean Connery sa The Rock.
Bilang girlfriend ni Phillippe, na nakadiskubre ng sikreto para ma-link ang lahat ng uri ng digital communications sa isang powerful feed nakasama siya sa tagumpay at intriga na kinasuotan ng kanyang boyfriend sa mundo ng computer.
May mahalagang role si Tim Robbins sa pelikulang ito ng Metro Goldwyn Mayer na ipinamamahagi sa mundo ng 20th Century Fox at ng Viva dito sa Pilipinas.
Sa tradisyon ng direktor na si John Woo na naging big time sa Hollywood dahil sa naghari sa takilya ang Mission Impossible 2 ni Tom Cruise at ni Ang Lee sa Oscar Award winner Crouching Tiger, Hidden Dragon ni Chow Yun Fat, narito naman ang pagkakataon ni Ringo Lam para sa kanyang obra maestra na nakatakdang mag-set ng trend sa action movies. Pinamagatang Attack Force, ito ay pinangungunahan ni Hongkong superstar Andy Lau sa kanyang pagtatangkang masundan ang mga yapak nina Jacky Chan at Jet Li.
Ang istorya ay nagsimula sa rehiyon ng Golden Triangle. Si Wah (edad 9 pa lamang) at ang kanyang mga magulang, ang kanyang ninong na si Keung at si Leung kasama ang anak na babae (edad 5) ay planong ipuslit ang ilang mahahalagang bagay at impormasyon sa Thailand. Ang ama ni Wah, sina Keung at Leung ay mga C.I.A, agents at matalik na magkaibigan.
Nauna si Keung sa Thailand para isagawa ang operasyon. May kinasabwat na grupo si Leung at pinilit ang ama ni Wah na ibigay ang hawak nitong mga dokumento. Nakatago sa dilim, nakita ni Wah nang patayin ang kanyang mga magulang.
Pagkaraan ng dalawampung taon, si Wah ay isa nang piloto ng Thai Air Force. Hindi nawawala sa isip niya ang paghihiganti. Si Leung ay isa nang matagumpay na negosyante at may ilulunsad itong malaking proyekto sa Thailand. Kahit binawalan ni Keung, si Wah at ang kaibigang si Roy ay nagtangkang patayin si Leung pero nabigo. Makikilala ni Wah ang anak na dalaga ni Leung na si Sin at sila’y magkakaibigan. Si Keung naman ay bumuo ng isang grupo para wasakin ang kinatatakutang Hukbo ng Golden Triangle na kinaaaniban ni Leung. Pero, kailangan ang tulong ni Wah na naiipit sa pagitan ng babaing kanyang minamahal at ng taong nais niyang patayin. Bandang huli, isang giyera ang sasabog sa makabagong istoryang ito ng pandaigdig na terorismo.
Release dito sa atin ng Solar Films ang Attack Force ay nagtatampok din sa kaakit-akit na si Rosamund Kwan.
Sa kasalukuyan ay naruro’n pa ang pamilya at kasalukuyang nagbibigay ng kasiyahan sa maraming Pilipino na naninirahan dun. Kapag nakabili sila ng bahay dun ay baka matuloy na ang kanilang plano na dun na manirahan.
Katulad ng kanyang role sa nasabing pelikula, isa ring painter si Clair. Nag-aral siya ng pagpipinta sa London Arts Educational School na kung saan ay kumuha rin siya ng dance at drama. Isang Italyano ang kanyang ama at ang ina naman niya ay British. Nagsimula siya ng kanyang pag-aartista sa gulang na 20 sa British TV. Unang pelikula niya ang JFK Reckless Youth bilang mistress ng namatay na pangulo. Naging anak siya ni Sean Connery sa The Rock.
Bilang girlfriend ni Phillippe, na nakadiskubre ng sikreto para ma-link ang lahat ng uri ng digital communications sa isang powerful feed nakasama siya sa tagumpay at intriga na kinasuotan ng kanyang boyfriend sa mundo ng computer.
May mahalagang role si Tim Robbins sa pelikulang ito ng Metro Goldwyn Mayer na ipinamamahagi sa mundo ng 20th Century Fox at ng Viva dito sa Pilipinas.
Ang istorya ay nagsimula sa rehiyon ng Golden Triangle. Si Wah (edad 9 pa lamang) at ang kanyang mga magulang, ang kanyang ninong na si Keung at si Leung kasama ang anak na babae (edad 5) ay planong ipuslit ang ilang mahahalagang bagay at impormasyon sa Thailand. Ang ama ni Wah, sina Keung at Leung ay mga C.I.A, agents at matalik na magkaibigan.
Nauna si Keung sa Thailand para isagawa ang operasyon. May kinasabwat na grupo si Leung at pinilit ang ama ni Wah na ibigay ang hawak nitong mga dokumento. Nakatago sa dilim, nakita ni Wah nang patayin ang kanyang mga magulang.
Pagkaraan ng dalawampung taon, si Wah ay isa nang piloto ng Thai Air Force. Hindi nawawala sa isip niya ang paghihiganti. Si Leung ay isa nang matagumpay na negosyante at may ilulunsad itong malaking proyekto sa Thailand. Kahit binawalan ni Keung, si Wah at ang kaibigang si Roy ay nagtangkang patayin si Leung pero nabigo. Makikilala ni Wah ang anak na dalaga ni Leung na si Sin at sila’y magkakaibigan. Si Keung naman ay bumuo ng isang grupo para wasakin ang kinatatakutang Hukbo ng Golden Triangle na kinaaaniban ni Leung. Pero, kailangan ang tulong ni Wah na naiipit sa pagitan ng babaing kanyang minamahal at ng taong nais niyang patayin. Bandang huli, isang giyera ang sasabog sa makabagong istoryang ito ng pandaigdig na terorismo.
Release dito sa atin ng Solar Films ang Attack Force ay nagtatampok din sa kaakit-akit na si Rosamund Kwan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended