Trilogy vs Divastating Divas sa Phenomena

Dalawang grupo ng mga nilalang na punum-puno ng talento ang magsasamang muli sa isang palabas na siguradong magpapagulong sa inyo sa kakatawa. Ito ay sa pamamagitan ng MS Production na binubuo nina Mikee Martinez, Bec Bec Soriano at Mel Martinez. Muli nilang ibabalik ang Independent Angels sa isang repeat performance na gaganapin sa Phenomena Disco, sa ika-25 ng Abril, 8 ng gabi.

Base sa box-office hit na Charlie’s Angels, ang Independent Angels ay magtatampok sa grupong Trilogy na binubuo nina Martin Mijares, Vivorah at Rey Kilay. Makikipagtagisan sila ng galing sa pagpapatawa sa grupong Divastating Divas na sina Poca, Hans at Anton na kilala sa pagi-impersonate sa mga top divas na sina Lani Misalucha, Rachel Alejandro at Regine Velasquez.

Gaya ng kanilang naunang show sa Chatterbox, siguradong riot ang muling pagsasama ng dalawang grupo na kilalang-kilala na sa live act scene. Bukod sa talento sa pagpapatawa, asahang kakaibang klase ng musika ang handog sa inyo ng Independent Angels.

Ang Independent Angels ay mula sa direksiyon ni Andrew de Real. Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa tel. nos. 0917831-6128 o 0919633-4426.— Joey Diego

Show comments