Kung siya sana ang nabigyan ng Star Awards, naka-grand slam sana ang durable actress.
Natandaan ko na ang unang best actress award ni Tita Glo mula sa Famas ay para sa pelikulang Dalagang Ilokana ng Sampaguita Pictures. Noong panahong ‘yon ay mahirap magwagi ang isang comedy, pero nagawa ito ng Reyna ng Sampaguita Pictures.
Maraming taon din siyang nag-reign bilang movie queen at marami siyang mga title roles na ginampanan tulad ng Cofradia, Miss Tilapia Kurdapya at Hindi Basta Basta.
Unang mother role na ginampanan niya ay bilang ina ni Gina Pareño sa Paula.
Sabi ni Tita Glo, take-off lang ng mga dating movies niya sa Sampaguita ang role niya sa Tanging Yaman. Marami rin siyang pinaiyak sa mga pelikulang For Mama at To Mama With Love.
Sa palagay niya, higit na madali ang maging isang Hollywood actress kaysa maging artistang Pinoy. Doon kasi sa Tate nagagawa ng mga stars na mapasunod ang produksyon na kunan ang pelikula ayon sa pagkasunod-sunod ng mga eksena. Kaya naman madaling mag-build up ng character at magtimpla ng emosyon.
Dito sa atin, kung ano ang gustong unahing eksena ng direktor ‘yon ang nasusunod. Kaya minsan nauuna pang matapos ang bandang ending ng kuwento, at saka lamang kukunan ang mga naunang eksena. Natutuwa naman si Tita Glo dahil sa puntong ito ng kanyang career, na mahigit limang dekada na siyang artista, ay in-demand pa rin siya. Nakangiting sabi niya, habang kaya niya at gusto siyang panoorin ng tao, tuloy ang kanyang pag-aartista.
Well talagang mga bold movies ito at for adults only!
Alam naman kaya ni Manoling Morato ito. Baka lalo siyang magdadakdak kapag nabatid ito, at sabihing walang pangilin kahit sa Mahal na Araw.
Hindi siya ang may-ari ng sinehan kaya’t wala naman siyang karapatang magdikta kung ano ang gustong ipalabas dito. Nakapasa naman yata sa MTRCB ang Babaeng Putik at Body To Body kaya’t by all means puwedeng ipalabas ito ng Lords at Jenet kahit anytime of the year.
Naintriga kami sa Body To Body dahil mukhang sexy talaga ang pelikula. But no way na panoorin namin ito this Holy Week.
Kung gusto ng ibang tao na panoorin ito, bakit ko naman sila pipigilan. Karapatan nila ito. May mga hustong isip na sila upang magdesisyon kung ano ang dapat nilang gawin. Puwes ibigay ang kanilang kalayaang maglibang.