Hindi naman napanood ng senador ang Live Show kaya hindi siya gaanong makapag-comment tungkol dito.
Anyway, pampelikula ang lovelife ni Senator Drilon. Nang mamatay ang asawa niyang si Violy Calvo noong Saptember 30, 1995, hindi nagtagal ay nagpakasal siya kay Mila Serrano Genuino na bestfriend ng asawa niya. "Na-shock ako nang una niyang sabihin sa akin na he loves me. Kasi parang kawawa naman ang friend ko," simula ng kuwento ni Mrs. Mila Drilon na napaka-soft spoken sa interview. "So kinausap ko ‘yung mga spiritual adviser ko kung okey lang ba ‘yung ganoong set-up, sinabi nilang human law lang ‘yung sinasabi na too soon ‘yung mangyayaring pagpapakasal namin. Actually, two years din naman after she died dahil 1997 na kami nagpakasal," she recalls. Hindi favor ang kani-kanilang mga anak nang sabihin nila na pakakasal sila. "Kasi wala silang idea dahil nga family friends kami. In fact, godfather pa siya (referring to the senator) ng eldest kid ko. So tinatanong nila ako kung bakit kailangan ko pang mag-asawa eh sanay naman sila ng kami na lang. Kasi nga kailangan ko ring iwan ‘yung house namin ng mga anak ko. That was during the time na hindi pa sila ready to accept us. Kasi hindi namin sila gaanong na-prepare sa mangyayari. Right now close na silang lahat, I mean with my three kids and his two kids," he avers.
Adjusted na rin siya ngayon sa pagiging Mrs. Drilon na asawa ng isang pulitiko. Full time housewife si Mila. Dati siyang connected sa real state. In fact, ‘yung house and lot na tinitirhan nila ngayon, sa kanya nabili nila Senator Drilon noon.
Si Mila ang personal na nag-aasikaso kay Senator Drilon ngayon kahit pagsi-serve ng coffee ay siya ang nagbibigay.
"I’m glad that I’m finally doing a movie. Since may launching three years ago, I’ve been concentrating on TV drama, including kontrabida roles," says Carlo na ang talagang pangarap ay makapag-direk ng pelikula.
Another member of the ‘L8est’ cast is Bernard Palanca, na leading man ni Rica Peralejo sa Sa Huling Paghihintay.
Barkada ni Aga ang role nina Carlo at Bernard sa Narinig Mo Na Ba Ang L8est kasama ang isang upcoming comedian na si Gabe Mercado na nakilala naman sa kanyang Joy Tissue commercial.
Playing Aga’s brother is John Pratts na nakasama ni Aga sa Oki Doki Doc at under ABS-CBN Talent Center din.
Kasama rin sina Julia Clarete at Andrea del Rosario na kilala na rin sa mga shows ng ABS-CBN.
At any rate, Narinig Mo Na Ba Ang L8est is the story of how rumors can affect people’s perception of other people.
The movie is under the direction of Jose Javier Reyes for Star Cinema.
Anyway, break lang ang kailangan ni Lianne as in kailangan lang niya ng isang recording company na susuportahan siya at gagastos para sa magagaling na composer para lubusan siyang sumikat. Kasi kung sa ibang sinasabing diva lang naman, mas magaling pa si Lianne.
Minamahal Kong Kababayan,
A tribute to all OFWs around the world at pagkilala ng kababayan niya sa itinuturing na mga bagong bayani!
Check this out Kabayan, musikang naglalarawan ng damdamin ng OFWs at musikang nagbibigay parangal sa OFWs - ang "Awit Abroad" music album. Composer is a Jeddah based OFW.
Available na po sa Pilipinas at mabibili sa mga music stores tulad ng Radio City, Tower at Odyssey.
Heto po ang titles at mga artists :
1) "Aking Mahal" - Nora Aunor
2) "I Do" - Claudine Barretto
3) "Makapaghanapbuhay Lang" - Nonoy Zuñiga
4) "Kabayan Huwag Mag-alala" - Juan Rodrigo
5) "Maayos Na Buhay" - Miriam Pantig
6) "O.T." - Aldoe Rubee
7) "Ramadan" - Richard Villanueva
8) "Doon" - Cindy Rosas
9) "Para Sa Inyo, OFW Ng Buong Mundo" - Jo Awayan & Miriam Pantig
10) "Dakila Ka" - Kelly Grace Salcedo & Nonoy Zuñiga
Suportahan n’yo naman Kabayan at tangkilikin itong produktong gawang OFW. Tulungan n’yo na rin po in your own way of promoting this album sa mga kababayan natin, sa inyong mga kaibigan, kamag-anak at mga mahal sa buhay. Paki-forward na rin po itong e-message ko sa inyong mga kakilala.
Do’n po sa bansa o lugar na hindi pa available ang "Awit Abroad" music album, mag-request po kayo sa mahal n’yo sa buhay sa Pinas na padalhan po kayo.
Maraming-maraming salamat sa suporta at tulong mo Kabayan.
Gumagalang,
Rolly Amaranto