Nagulat ako nang dumating kami sa AFP Theater. Sa lobby naro’ng lahat na nakaupo sa semento ang mga potograpo ng iba’t ibang publications. Naro’n din ang mga crew ng iba’t ibang palabas sa TV. Bakit kako wala sila sa loob? Naglalakwatsa ba sila? Sabi ni Jeff Fernando ng Alas Singko Y Medya ay ayaw daw silang papasukin, bawal daw. Ganito rin ang nalaman ko sa ilang potograpo na nakausap ko. One even said na gusto na nilang mag-walk out pero natatakot na mapagalitan ng nagbigay ng assignment. Sabi ko naman kung magkakaisa sila at sasabihin sa mga editors nila ang pangyayari, maiintindihan sila pero syempre, mas namayani ang takot sa ano pang ibang damdamin. Kaya, may coverage ang PSN. Although I would have understood. Kung hindi kami nagkaroon ng coverage.
Bakit naman minaltrato ng nasabing awards-giving body ang mga nagku-cover ng kanilang affair? Mayro’n ba silang pinagbigyan ng exclusive rights nito? Parang wala naman akong nakita. Kung ayaw nilang ma-cover ng ibang publications, they should have made it clear. Madali namang kausapin ang mga taga-press. Marami rin namang affair that evening, marami silang pwedeng puntahan.
Anyway, the major winners were not present. Sayang sina Gloria Romero at Johnny Delgado. I’m sure tulad ni Laurice Guillen, they would have appreciated winning sa sinasabing orig na awards giving body which is the FAMAS nga.
Madalas na namang mapapanood si Rachel sa mga TV shows promoting her album. Mayro’n ding naka-schedule na mall tours na nagsimula na nung April 6 sa SM Megamall. Sa April 26, 4 pm, nasa Robinson’s Place, Manila siya at sa April 22, 4 p.m., sa Robinson’s Galleria.
"First time kong gumawa ng ganitong pelikula," admits Ian who is making his first film with Regal. Pero alam kong balwarte ng Regal ang mga malalaking aksyon kaya ibang klase rin ang feeling ko ngayon."
In the film, Ian is paired with fast-rising Regal Star, LJ Moreno na gumaganap ng role ng isang babaeng pulis, kapartner ni Ian. Silang dalawa ang na-assign na pigilin ang kulto sa pambibiktima sa mga babae.
Si Jun Posadas ang direktor at gumaganap na main kontrabida si Emilio Garcia.
Nineteen years old si KC na nagsimula nang mag-artista sa gulang na limang taon. "Lumabas ako sa isang movie ni Anjo Yllana titled Legal Family. I was also included in the cast of Brokendown Palace starring the controversial Claire Danes," imporma niya.
Bagaman at marami na siyang nalabasan, including several commercials, ngayon lamang nararamdaman ni KC ang desire na maging aktibo na sa pag-aartista. "Feel ko, ngayon na ang tamang panahon. At kung kailangan akong magpa-sexy para makilala ako, gagawin ko," tahasan niyang sabi.
May "K" namang mag-artista si KC. Maganda siya, may magandang pangangatawan, matangkad at 5’4’’. Kumukuha siya ng computer course at bagaman at nag-iisang anak ay nagdesisyon nang humiwalay sa kanila at maging independent.
May inihahanda nang launching movie para sa kanya ang El Niño Films titled Pukyutan. Bago ito, mapapanood siya kasama si Chanda Romero sa Paru-Parong Ligaw.
"Dream ko na makapareha si Albert Martinez sa pelikula," sabi niya.