Pagsasamahin ng High on Love ang ilan sa pinakamahuhusay na performers natin ngayon gaya nina Janno Gibbs, Freestyle at Zsazsa Padilla. Tiyak na maiibigan ng mga music lovers ang concert na ito sapagkat magpapasikat ang mga performers na ito sa once in a lifetime concert na ito. Expected na i-perform ng tatlong artists na ito ang kanilang mga greatest hits pati na rin ang ilan sa mga hottest pop singles natin ngayon.
Kilala si Janno bilang isa sa mga reputable balladeers ng ating bansa. Bagaman aktibo siya sa telebisyon at pelikula, aminado siya na first love pa rin niya ang pag-awit. Janno’s songs are considered as homegrown OPM hits at isa rin siya sa mga hosts ng SOP ng GMA 7.
Ang Freestyle naman ay isa sa pinakamahusay na pop band ngayon. Napuno nila ang 17,000 sitting capacity ng Big Dome sa first major concert nila last year at labis nila itong kinasikat. Sila ang banda behind the success of such songs as "So Slow", "Before I Let You Go", at "This Time".
Si Zsazsa Padilla naman ang nag-iisang Divine Diva ng industriya. Halos lahat ng kanyang concerts ay mayroong SRO attendance at sa bawat major venue pa ito naganap at isa rin siyang respetadong recording artist dahil na rin sa kanyang mga string of multi-platinum.
Ang tickets sa High on Love ay nagkakahalaga ng P1,200, P800, P300 at P100 at ito’y available sa Araneta Ticketnet, SM Ticketnet, Viva Office (413-2572) at mga Video City outlets sa Cainta Junction, Parang Marikina, Montalban, Concepcion, Marikina, Pasig Rotonda, San Mateo, Sta. Lucia, Cainta 2, Taytay, Sta. Elena, Antipolo, Masinag, Rosario, P. Tuazon, Rejoice Supermarket at Lores, Antipolo.