"Duets" ni Ka Freddie
April 10, 2001 | 12:00am
Patuloy ang maalamat na si Freddie Aguilar sa paglikha ng mga bagong awiting akmang-akma sa pandinig ng masang Pinoy.
Sa kabila ng malaking problemang hinaharap ng music industry dahil sa talamak na pamimirata ng mga sindikato, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Ka Freddie sa ikauunlad nito.
Kaya naman, ipinorodyus niya ang isang napakagandang album na kagigiliwan hindi lamang ng kanyang mga tagahanga kundi ng kasalukuyang henerasyon.
Ang nasabing album ay pinamagatang "Duets With Freddie Aguilar" kung saan ay nakapaloob ang mga orihinal na komposisyong "Bahay Namin", "Sinta Ko", "Hulog ng Langit", "Hindi Magbabago", "Huwag", "Mahal Kita", "Ituloy ang Laban", "Para Sa Iyo" at "Ikaw Lamang". Sa mga awiting ito’y nakaduweto ni Ka Freddie ang mga walang kupas na sina Nora Aunor, Lolita Carbon, Coritha at Sampaguita; mga baguhang sina Antonette Martinez at Sheila Mercado; at ang kanyang anak na si Maegan Aguilar.
Ipinamamahagi ng Concorde Records, ang "Duets..." ay mabibili na sa CDs at cassettes.  Zar Baisas

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended