"Di magkaka-relasyon sina Judy Ann at Mikey"-Bro. Arman Cuban

Last Saturday, nagkaroon ng pagkakataon si Brother Arman Cuban, isang psychic na makausap at makasama nang matagal ang leading man ni Judy Ann Santos sa MMG Production movie na Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa at na-impress siya sa humility nito.

"Hindi porke anak siya ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo pero naba-vibes ko na malaki ang tsansa niyang manalo, sa eleksyon sa Pampanga," aniya.

Palagay ba niya ay may pag-asang magkatuluyan talaga sina Mikey at Judy Ann? "Puwedeng magkaroon sila ng matinding closeness pero hanggang diyan na lang. "Wala akong makitang kasalang magaga-nap dahil out of show business ang mapapangasawa ng binata ni GMA."

Kumusta naman ang kanilang pelikula, kikita naman kaya? "Hindi naman super blockbuster pero kikita," he opines.

Naapektuhan ba si Bro. Arman sa naging away nila ng isang kolumnista?

"Ang totoo niyan," he adds in earnest, "hindi naman tayo naapektuhan dahil marami pa rin naman ang tumatawag sa 8379767 at sa #09196016198. "Isa lang ang ibig sabihin niyan, intact pa rin ang kredibilidad ko.’’ – PGAJr.

Show comments