There was a time na na-link sila Aga & Joyce. That was during the time na hindi pa on si Aga at Charlene. Pero walang nangyari. "Siguro lang hindi talaga kami. Pero okey lang. Okey naman kami ni Aga ngayon, may chemistry kami," she says.
Of course, every Saturday, napapanood sila sa Da Body en Da Guard.
Hindi siya masyadong close kay Charlene dahil kahit kailan, hindi naman niya ito nakitang dumalaw sa shooting o taping nila ni Aga.
Pero there was one time na nang dumaan kami sa taping nila ng Da Body en Da Guard, dumaan si Charlene na may dalang cake dahil malapit lang sa location ng taping ang bahay nila Charlene sa QC.
Anyway, going back to Narinig Mo Ba Ang L8est, ano nga bang l8test kay Joyce. Well, hanggang ngayon, loveless pa rin siya. "Ewan ko pero wala pa rin talaga. Okey lang I’m happy naman," she says. After Jay Manalo wala ng na-link kay Joyce except kay Robin Padilla na umano’y pinakasalan siya sa Islam na hindi nagtagal ay na-annul daw.
Nang magsama sila ni Jay sa Balahibong Pusa, hindi na nila napag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila. "Wala na ‘yon. Tapos na," she avers.
At any rate, Narinig Mo Na Ba Ang L8est is about a well-organized and meticulous and well-kept account executive (Aga) na napagkamalang bakla at isang junior executive whose careless ways make people think that she’s a brainless bimbo.
The movie also marks the return of Direk Jose Javier Reyes to witty comedy.
Nag-deny din si Bong sa mga report na siya ang source ng mga lumabas na balita na sinabi ni Fernando Poe Jr. na hindi dapat suportahan ang mga kandidatong senador ni dating Pangulong Estrada. "Talagang may mga taong gusto kaming pag-awayin ni Ninong Ron. Gusto nilang sirain ang pagiging magkaibigan namin. Wala akong sinasabi o si Kuya Ron na ganyan, kaya sana naman tigilan na kami," he adds.
Anyway, usap-usapan ngayon sa mga umpukan sa presscon ang issue between Lani Mercado at Chit Ramos, ang dating PR at nanay-nanayan ni Gov. Bong sa mahabang panahon. May ilang tao raw kasing pinagkuwentuhan si Lani na kaya umalis si Ms. Chit sa kanila as PRO ay dahil binigyan nila ng P3 M tapos lumipat sa kabilang party. At may issue pa raw na pinagbibintangan si Ms. Chit na nagkakalat ng negative publicity ni Bong. "Kafatid I doubt it. Kilala ko si Tita Chit, hindi ganoon ang attitude niya. Hindi siya balimbing," comment ng isang baklang kasama namin sa isang presscon. "Ang rason talaga ng pag-alis ni Ate Chit, hindi siya binabayaran dahil kuripot daw si Lani," sagot naman ng isa pang kafatid sa hanap-buhay.
Well, palagay ko rin hindi capable si Tita Chit sa ganoong intriga. Kung tutuusin, almost one year ng hindi PR ni Bong si Tita Chit pero kahit kailan, wala siyang sinabing masama laban sa mag-asawa.Sa ibang tao ko pa nga naririnig ang kuwento tungkol sa kanila partikular na raw sa ugali ni Lani. "Grabe ang kakuriputan niyang si Lani. Hindi marunong mag-alaga ng kaibigan," kuwento ng isa pang tao na naging malapit din sa mag-asawa.
Ang alam ko, si Tita Chit ang nagdala sa showbiz kay Bong. Naka-sando pa raw ang gobernador noon nang alagaan ito ni Tita Chit. Pero ngayong gobernador na siya biglang nalimutan ni Bong ang lahat at ang masama pa sinisiraan siya ni Lani.
Sabi nga ng mga taong alam kung ano ang pinagsamahan nina Tita Chit at Bong, maraming alam ang una sa mag-asawa. Pero wala talaga akong narinig kay Tita Chit na masama.
Well, sana naman ay alam ni Lani kung ano ang salitang utang na loob.
Isa si Bayani sa pinaka-in demand na komedyante sa kasalukuyan. Thanks to Magandang Tanghali Bayan na nagbigay sa kanya ng chance na ipakita ang kakaibang talent niya sa komedya. Ngayon sunod-sunod ang project niya sa Viva Films. Latest movie niya ang Baliktaran opposite Rufa Mae Quinto under the direction of Al Tantay.
Lesbian ang role ni Rufa Mae sa movie, samantalang bading naman si Bayani. "Kaya nga nag-enjoy ako rito eh. Parang kakaiba naman. Saka first time kong nakasama si Rufa Mae. In born comedian siya," he says.