"Mas enjoy ako sa ganitong pelikula where I put all the inputs of my stars, lahat ng mga magagandang suggestions para mapaganda namin at maging kasiya-siya ang mga eksna. Dito sa Baliktaran, which is a comedy and not a bold movie, may mga ibinigay na input maski na si Rufa Mae Quinto whom I find very funny. Nag-suggest din si Bayani (Agbayani) at pinabayaan ko sila sa gusto nilang gawin. I just guided them at lumabas naman na magaganda ang mga eksena namin," sabi niya.
Isang tomboy at isang bakla sa pelikula sina Rufa Mae at Bayani na gumaganap na mag-asawa, ipinagkasundo ng mga magulang nila na magkakaibigan na simula’t sapul. Niregaluhan sila ng bahay ng mga parents, binigyan ng negosyo at wala silang hihilingin na hindi ibibigay sa kanila. Kapag nasa harap sila ng ibang tao ay lalaki at babae sila pero, kapag silang dalawa lamang, sa kanilang bahay, si Rufa si mister at si Bayani si misis.
Noon pang 1994 nagawa ni Al Tantay ang istorya pero, walang makuhang artista para sa dalawang roles. Nang mangailangan ng istorya para kina Rufa at Bayani, ayun at biglang nahalungkat ang istorya.
"Hindi ako ambisyoso, gusto ko lang patawanin ang tao. May pagbabago ngayon, gusto ko pa ring patawanin ang tao pero, may logic na, may dahilan kung bakit kailangang matawa ang manonood," ani direk Al.
Kasama rin sa movie sina Gary Lim, Bentong, John Lesaca, Jovit Moya, Rommel Montano, Melissa Mendez atbp. Palabas ito sa Abril 25.