^

PSN Showbiz

Direk Al, umaming napilitan lang mag-bold noon

-
Marami ang nagulat nang aminin ni director/actor Al Tantay na napilitan lamang siyang mag-bold nung araw para sumikat at magka-pangalan. Nabigyan katuparan naman niya ang pangarap niya pero, kung ngayon daw ito mangyayari sa kanya, hindi na siya magbu-bold. As a director, mas gusto niyang gumawa ng mga comedy kaysa paghubarin ang kanyang mga artista at pagawin ng mga maiinit na love and bed scenes.

"Mas enjoy ako sa ganitong pelikula where I put all the inputs of my stars, lahat ng mga magagandang suggestions para mapaganda namin at maging kasiya-siya ang mga eksna. Dito sa Baliktaran, which is a comedy and not a bold movie, may mga ibinigay na input maski na si Rufa Mae Quinto whom I find very funny. Nag-suggest din si Bayani (Agbayani) at pinabayaan ko sila sa gusto nilang gawin. I just guided them at lumabas naman na magaganda ang mga eksena namin," sabi niya.

Isang tomboy at isang bakla sa pelikula sina Rufa Mae at Bayani na gumaganap na mag-asawa, ipinagkasundo ng mga magulang nila na magkakaibigan na simula’t sapul. Niregaluhan sila ng bahay ng mga parents, binigyan ng negosyo at wala silang hihilingin na hindi ibibigay sa kanila. Kapag nasa harap sila ng ibang tao ay lalaki at babae sila pero, kapag silang dalawa lamang, sa kanilang bahay, si Rufa si mister at si Bayani si misis.

Noon pang 1994 nagawa ni Al Tantay ang istorya pero, walang makuhang artista para sa dalawang roles. Nang mangailangan ng istorya para kina Rufa at Bayani, ayun at biglang nahalungkat ang istorya.

"Hindi ako ambisyoso, gusto ko lang patawanin ang tao. May pagbabago ngayon, gusto ko pa ring patawanin ang tao pero, may logic na, may dahilan kung bakit kailangang matawa ang manonood," ani direk Al.

Kasama rin sa movie sina Gary Lim, Bentong, John Lesaca, Jovit Moya, Rommel Montano, Melissa Mendez atbp. Palabas ito sa Abril 25.

vuukle comment

AL TANTAY

BAYANI

GARY LIM

JOHN LESACA

JOVIT MOYA

MELISSA MENDEZ

ROMMEL MONTANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with