Geneva, nagbold na rin !

Pumirma ng kontrata sa Viva Films si Geneva Cruz. Sa pagpirma niya ng kontrata inaasahang siya ang isusunod ng Viva na ila-launch sa isang bold picture. Pero sinabi ni Geneva sa prior interview na hindi niya ma-imagine ang kanyang sarili na nakiki-pagkissing scene or nakikipag-lovemaking sa big screen tulad ng ginawa ng pinsan niyang si Sunshine Cruz sa Ekis bago ito nagpakasal kay Cesar Montano.

Unang nag-pose ng sexy si Geneva sa calendar ng Ginebra San Miguel. Maraming na shock sa kanyang ginawa. Pero pinangatawan na niya ang lahat. Everytime na lumalabas siya sa TV, daring ang outfit niya.

"Hindi naman masagwa di ba? Parang Mariah Carey lang," sabi ni Geneva noon sa launching ng calendar ng Ginebra.

Show comments