Kamakailan lang ay nagpirmahan ng kontrata ang dalawang kompanya upang magkasamang ilunsad at pamahalaan ang Mutya ng Pilipinas at Miss Asia Pacific Quest, simula sa taong ito. Talaga namang pawang mga engrande ang planong siguradong ipapatupad ng GMA at MAPQI simula sa paghahanap ng mga nararapat magwagi, sa produksyon ng pageant, at sa mga pa-premyo.
Magiging tunay na nationwide ang timpalak, kayat magsisimula sa pagpili sa mga probinsiya at ibat ibang siyudad sa bansa. Totoong susuyurin ang buong kapuluan upang makapili ng pinakamagagandang official candidates sa Mutya ng Pilipinas 2001. Siyempre ang mga pangunahing sponsors ng pageant ay mga produkto ng Uniliver tulad ng Ponds at Lux.
Lahat ng magagandang babae, 18-24 years old, na tipong pang-global contest ang dating atleast 54 ang taas at high school graduate, ay maaaring mag-apply sa GMA office sa Saguitarrius Bldg., sa Makati.
Kapag napili na ang mga official candidates, ipakikilala sila sa D! Day ng Channel 7, in a docu-drama. Marami pa silang mga TV guestings na gagawin at siguradong masusubaybayan ng publiko ang mga activities at ang busy schedules ng mga contestants.
Sabi pa ng GMA ang pageant night na gagawin sa NBC Tent will be one of the most entertianing beauty pageant ng Pilipinas 2001, Mutya Intercontinental, Mutya Queen of the Year, Mutya Tourism International at Mutya Queen of Clubs na pawang lalahok sa ibat ibang international beauty contest sa taong ito.
Kayong mga talent scouts, simulan na ang pagkumbinse sa mga magaganda at tunay na edukadat matalinong mga chicks upang lumahok sa Mutya ng Pilipinas 2001 search. Siyempre may premyo din ang mga talent scouts bukod pa sa "komi" ibibigay sa kanila ng kanilang discoveries.
Mas malaki o higit na maliit na bahagi kaya kaysa noong nakaraang halalan ang magwawaging artista this year? Siguradong higit ang mga uuwing luhaan o mga lus valdes, di ba?