'Ikaw Lang Ang Mamahalin' mall tour

Halos wala pang isang linggo sa ere ang pinakabagong drama ng GMA na Ikaw Lang Ang Mamahalin ay pinag-uusapan na ito ng sambayanan. Umani ng papuri ang mga direktor nitong sina Louie Ignacio at Soxy Topacio para sa kanilang obra kung saan tampok ang di-malilimutang pagganap ng mga naglalakihang pangalan sa showbis.

Ngayong Linggo ng hapon, April 1, magkakaroon kayo ng pagkakataong makita at makilala ang ilang miyembro ng cast ng bagong drama sa atrium ng Ever Gotesco Ortigas, 4:00 p.m. Unang installment pa lang ito sa series of mall tours ng Ikaw.

Kilalanin ang mga prinsesa ng soap opera, sina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon kasama ang mga heartthrobs na sina Cogie Domingo, Gabby Eigenmann, Sherwin Ordoñez at James Blanco. Special guests ang bagong crush ng bayan mula sa SOP, si Kevin Vernal at ang hot dance group na Skapecrew.

Magpapirma ng mga autograph, mag-pose para sa mga litrato, at sumali sa mga iba’t-ibang games kasama ang inyong mga idol. Basta siguraduhing huwag palampasin ang masayang get-together na ‘to kasama ang young stars ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, ang bagong habit ng bayan, Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa GMA.

Show comments