Aktres naging lasengga dahil sa asawa
March 29, 2001 | 12:00am
Wholesome ang image ng sikat na aktres na ito at naging maganda naman ang relasyon nila ng kanyang asawa kahit mas matanda ito sa asawa. Pero dumarating ang pagkakataon na kahit anong ganda ng babae ay naghahanap din ng ibang ligaya ang aktor sa piling ng iba. Tumaba kasi ang aktres kaya siguro parang nanabang ang lalaki.
Lately ay naging laman ng blind item ang mag-asawa dahil sa may ibang kinahuhumalingan daw ang aktor na isa ring aktres at kasamahan pa niya sa trabaho. Namatay ang tsismis pero ngayon ay muling nanumbalik kaya para makalimutan ang problema ay natutong magpunta ng bar ang aktres para makapag-aliw at minsan ay naglalasing na rin daw ito dahil sa sama ng loob. Ang alak lang ang nakakasama nito sa paglilibang para makalimutan ang relasyon ng kanyang asawa sa seksing TV-host at aktres.
Pinabubulaanan ng dalawa na may relasyon sila pero mismong taong malalapit sa kanila ang nagtsitsismis ng balita.
Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Priscilla Almeda mula sa Amerika. Nasaan na kaya siya ngayon? Nasarapan yata sa kanyang bakasyon kaya nabitin ang maraming commitments.
Dalawang beses nang hindi niya sinipot ang launching ng kanyang album under Dyna Records.
Pero ayon sa aming source ay na-stranded siya sa New York dahil sa kapal ng yelo.
Kahit wala si Priscilla ay itinuloy pa rin ang launching ng Dyna sa ibang mga recording artists nila gaya nina Ynez Veneracion, Assunta de Rossi, Daisy Reyes at Carlos Morales.
Sa isang intimate interbyu kay Gilbert Remulla na tumatakbong congressman ng Cavite ay napag-alaman namin na naging bahagi rin pala siya ng Repertory Philippines as resident actor. Mahilig din siya sa basketball, golf, scuba-diving at iba pa bukod pa sa pagtugtog ng gitara at piano.
Ano ang nagbunsod sa kanya para tumakbo agad sa mataas na posisyon. "It’s a combination of two things. Naroon na ang oportunidad para tumakbo sa kongreso kung saan ayon sa survey ay kaya ko ito at ikalawa ay may maiko-contribute ako bilang bahagi ng media," aniya.
Anu-ano ang kanyang plataporma sa pagkandidato bilang congressman? "Ang una kong prioridad ay ang paggawa ng amendments para maging mahigpit ang rules at penalties para sa drug trafficker o drug pushers. Ikalawa ay hihingi ako ng pondo para sa mga batang mag-aaral, magkaroon ng better education, more classrooms at magkaroon ng computers sa mga silid-aralan. Ikatlo kong proyekto ay tungkol sa employment lalo na sa pagdami ng mga residente sa Cavite nang walang trabaho. Lagi kong tinatandaan ang sinasabi ni daddy na kailangang maabot ko ang masa. Palagay ko, mas magiging epektibo akong legislator kaysa anumang position," dagdag pa ni Gilbert.
Kasal si Gilbert kay Georgia na isang dentista at malapit nang magkaroon ng supling.
Si Gilbert ay dating manager ng ABS-CBN News.com-news website ng ABS-CBN interactive reporter at dating reporter ng TV Patrol.
Sa isang intimate dinner na ginawa ng Solar Films para sa prodyuser na si Takenari Fukuoka ay sinabi niyang saludo siya sa mga kasamahang artista ni Jacky Woo sa pelikulang Total Aikido na prodyus ng True Colors at ini-release ng Solar Films kahapon, Marso 28. "Mababait at marunong makisama ang mga Pinoy artists at walang naging problema sa syuting kaya madali nilang natapos ang pelikula," aniya sa wikang Ingles.
Anu-ano ang problemang naranasan nila habang nagsusyuting sa ating bansa? Yong mga comfort room at mainit na panahon kaya kailangan nilang mag-adjust para maging maayos ang takbo ng pelikula.
Kasalukuyang nasa Cebu sina Jacky, Aya Medel at John Regala para sa syuting ng Total Aikido 2. Maganda ang feedback ng mga manonood tungkol sa Total Aikido at maganda rin ang kita nito sa takilya.
Nakausap namin si Dingdong Dantes at binati dahil sa pagiging magaling na host sa nakaraang Bb. Pilipinas beauty pageant. Ilang ulit na siyang naging host sa malalaking pagdiriwang gaya ng Metropop at sa Mutya ng Pilipinas nong nakaraang taon.
"Mas mabuti kapag nininerbyos ako dahil nasasanay ako at pinagbubutihan ko pa ang trabaho. Minsan kapag relaxed ako sa pagiging host ay saka naman ako nagkakamali." Hindi kataka-takang maging magaling sa komunikasyon ang young actor dahil nag-aaral ito sa Ateneo mula high school hanggang sa kasalukuyan kung saan irregular freshman siya ng kursong AB Psychology. Bago sa Ateneo ay nag-aral siya ng dalawang taon sa San Beda at kumuha ng Philosophy.
Huling pelikula pa ng aktor ang Kiss Mo Ako at hanggang sa TV na lang muna. "Okay lang naman ito dahil nag-aaral ako the whole morning at nahahati ko ang aking oras. Araw-araw ay nagtatawagan kami ni Toni (Antoinette Taus) at miss na miss ko na siya. Mabuti na lang at nakakapag-usap kami everyday kaya nawawala rin ang aking kalungkutan," aniya.
Dream role ni Dingdong ang maging weird at pangarap din na makapag-direk ng pelikula balang araw.
Bukod sa Anna Karenina ay nasa SOP pa si Dingdong at kasama din sa soap opera na Ikaw Lang Ang Mamahalin bilang leading man ni Angelika dela Cruz.
Lately ay naging laman ng blind item ang mag-asawa dahil sa may ibang kinahuhumalingan daw ang aktor na isa ring aktres at kasamahan pa niya sa trabaho. Namatay ang tsismis pero ngayon ay muling nanumbalik kaya para makalimutan ang problema ay natutong magpunta ng bar ang aktres para makapag-aliw at minsan ay naglalasing na rin daw ito dahil sa sama ng loob. Ang alak lang ang nakakasama nito sa paglilibang para makalimutan ang relasyon ng kanyang asawa sa seksing TV-host at aktres.
Pinabubulaanan ng dalawa na may relasyon sila pero mismong taong malalapit sa kanila ang nagtsitsismis ng balita.
Dalawang beses nang hindi niya sinipot ang launching ng kanyang album under Dyna Records.
Pero ayon sa aming source ay na-stranded siya sa New York dahil sa kapal ng yelo.
Kahit wala si Priscilla ay itinuloy pa rin ang launching ng Dyna sa ibang mga recording artists nila gaya nina Ynez Veneracion, Assunta de Rossi, Daisy Reyes at Carlos Morales.
Ano ang nagbunsod sa kanya para tumakbo agad sa mataas na posisyon. "It’s a combination of two things. Naroon na ang oportunidad para tumakbo sa kongreso kung saan ayon sa survey ay kaya ko ito at ikalawa ay may maiko-contribute ako bilang bahagi ng media," aniya.
Anu-ano ang kanyang plataporma sa pagkandidato bilang congressman? "Ang una kong prioridad ay ang paggawa ng amendments para maging mahigpit ang rules at penalties para sa drug trafficker o drug pushers. Ikalawa ay hihingi ako ng pondo para sa mga batang mag-aaral, magkaroon ng better education, more classrooms at magkaroon ng computers sa mga silid-aralan. Ikatlo kong proyekto ay tungkol sa employment lalo na sa pagdami ng mga residente sa Cavite nang walang trabaho. Lagi kong tinatandaan ang sinasabi ni daddy na kailangang maabot ko ang masa. Palagay ko, mas magiging epektibo akong legislator kaysa anumang position," dagdag pa ni Gilbert.
Kasal si Gilbert kay Georgia na isang dentista at malapit nang magkaroon ng supling.
Si Gilbert ay dating manager ng ABS-CBN News.com-news website ng ABS-CBN interactive reporter at dating reporter ng TV Patrol.
Anu-ano ang problemang naranasan nila habang nagsusyuting sa ating bansa? Yong mga comfort room at mainit na panahon kaya kailangan nilang mag-adjust para maging maayos ang takbo ng pelikula.
Kasalukuyang nasa Cebu sina Jacky, Aya Medel at John Regala para sa syuting ng Total Aikido 2. Maganda ang feedback ng mga manonood tungkol sa Total Aikido at maganda rin ang kita nito sa takilya.
"Mas mabuti kapag nininerbyos ako dahil nasasanay ako at pinagbubutihan ko pa ang trabaho. Minsan kapag relaxed ako sa pagiging host ay saka naman ako nagkakamali." Hindi kataka-takang maging magaling sa komunikasyon ang young actor dahil nag-aaral ito sa Ateneo mula high school hanggang sa kasalukuyan kung saan irregular freshman siya ng kursong AB Psychology. Bago sa Ateneo ay nag-aral siya ng dalawang taon sa San Beda at kumuha ng Philosophy.
Huling pelikula pa ng aktor ang Kiss Mo Ako at hanggang sa TV na lang muna. "Okay lang naman ito dahil nag-aaral ako the whole morning at nahahati ko ang aking oras. Araw-araw ay nagtatawagan kami ni Toni (Antoinette Taus) at miss na miss ko na siya. Mabuti na lang at nakakapag-usap kami everyday kaya nawawala rin ang aking kalungkutan," aniya.
Dream role ni Dingdong ang maging weird at pangarap din na makapag-direk ng pelikula balang araw.
Bukod sa Anna Karenina ay nasa SOP pa si Dingdong at kasama din sa soap opera na Ikaw Lang Ang Mamahalin bilang leading man ni Angelika dela Cruz.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended