Japanese investors, pumapasok sa local movie industry
March 28, 2001 | 12:00am
Nagpa-presscon si Jacky Woo noong isang gabi sa Whistlestop kasama ang kanyang manager at ilan pang mga staff members ng kanilang grupo. Si Jacky Woo ay isang artistang Hapones at meron siyang pelikulang ginagawa dito, ang Total Aikido na kasama sina John Regala at Aya Medel. Si Jacky Woo ay hindi marunong mag-Ingles kaya’t may kasama siyang interpreter sa lahat ng kanyang mga lakad dito sa Pilipinas. Kasalukuyan silang nagso-shooting ngayon sa Cebu ng ikalawang aikido movie. Ang kanilang movie na Total Aikido I ay isang action movie at siguro naman itong mga ganitong klaseng pelikula ang dapat nating pagtuunan ng pansin dahil karamihan sa ating mga senior at junior action stars ay out of commission dahil either sila ay nagpapahinga o sila ay tumatakbo sa eleksyong ito.
Ang balita ko ay ito ang unang project ni Jacky Woo dito sa Pilipinas pero siya ay isang sikat na artista sa Japan. Hindi nga lang malaman kung bakit Jacky Woo ang kanyang pangalan. Siguro ginagamit niya iyon dahil may recall naman ang Jacky Chan at ang John Woo naman ay may recall din bilang isang direktor na mahusay sa Hollywood. Kapag daw naging matagumpay ang kanilang pagsasapelikula ng Total Aikido 1 & 2, malamang ay magtayo na ng opisina ang mga Japanese na ito sa Pilipinas.
Kunsabagay marami na ring mga Hapones ang nagbabalak gumawa ng pelikula dito sa bansa. Ang balita ko rin ay hindi masyadong matagumpay ang mga pelikula sa Japan dahil nilamon na lahat ng TV productions ang kanilang movie industry. Pero ang industriya ng pelikula naman sa Hapon ay isa sa mga pinaka-successful noong mga ilang dekada na ang nakakaraan dahil sa trabaho ng mga direktor tulad nina Nagashima, Akira Kurosawa na ang mga pelikula tulad ng Ran at Rashomon ay umani ng katakut-takot na tagumpay sa lahat ng filmfest sa Europe at maging sa Amerika.
Ang Total Aikido ay ire-release ni Wilson Tieng ng Solar Films. Si Wilson Tieng din ang nag-release ng pelikulang Japanese na Sumo Do, Sumo Don’t na isang comedy tungkol sa mga makabagong manlalaro ng sumo wrestling sa Japan. Ang sumo ay isang tradisyunal na paglalaban ng dalawang malalaking tao at sila ay naglalaban sa loob lamang ng isang bilog at kung sino ang maitulak o maitapon sa labas ng bilog ay talo. Ang Sumo Do, Sumo Don’t sa pagkakatanda ko ay dubbed sa Tagalog upang lalong maengganyo ang mga manonood at successful naman ito kahit kokonti ang publicity ng pelikula.
Ang aikido naman ay isang uri rin ng martial arts tulad din ng judo at saka ng kung anu-ano pang oriental form ng pakikibaka. Siguro ito ang gustong ipakilala o i-promote ni Jacky Woo. Si Jacky Woo sa unang tingin ay isang matipunong lalake at mukha nga siya talagang action star dahil parang matapang ang kanyang mukha. Masaya naman siyang kausap lalo pa nga at nagkakahalo ang aming pag-uusap kasama ng kanyang interpreter. Ang sabi ng kanyang manager ay talagang totohanan ang kanilang production at hindi ito basta laro-laro lamang dahil ginagastusan nila ng malaki ang mga produksyong ito. Ang direktor ng Total Aikido ay si Jett Espiritu na isa sa mga pinakamagaling na direktor ng action movies at si Aya Medel ay isang magandang aktres na sikat na sikat kung bold din lang ang pag-uusapan.
Si John Regala sa pelikula ay ang usual kontrabida at bilang kontrabida si John ay wala na sigurong makakapantay dito sa ating mga character actors na tumatanggap ng mga ganitong roles.
Kunsabagay si John naman bilang kontrabida ay very effective, at isa rin siya sa pinakamagaling na artista kung drama rin lang ang pag-uusapan.
Si John Regala ay nagpo-produce rin ng kanyang pelikula at may ilan na rin akong nakita tulad ng Askal. Sa pagsama niya rito sa pelikulang Total Aikido, baka mapansin din si John makuha rin siya ng ibang mga producers sa Japan. Magandang balita itong pagpasok ng mga Japanese investors sa ating movie industry na laging sinasabing naghihingalo na at ang pasok naman nila ay sa action genre kaya siguro wala silang magiging masyadong problema sa MTRCB at sa censorship.
Ngayon nga ay maraming problemang kinakaharap ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil inaakala nilang naghihigpit ang bagong MTRCB chairman na si Alejandro Roces. Nagpahayag na raw ng kanyang pagkadismaya sa Live Show si Ginoong Roces at mamumuno daw ito sa pagsasabatas ng mga alituntunin sa gobyerno na magbabawal o maghihigpit talaga para hindi makalusot ang mga pornographic films dito sa atin.
Naging matagumpay naman ang ginawang protesta ng ilang miyembro ng movie industry sa Mendiola noong Lunes hinggil sa problema ng censorship bunsod ng ginawang pagbabawal sa pagpapalabas ng Live Show. Nakilahok ang mga batikang direktor ng pelikulang Pilipino tulad nina Joel Lamangan, Gil Portes, Joey Reyes at Carlitos Siguion Reyna. Naroon din ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde at Reyna Films producer Armida Siguion Reyna. Very visible rin si Richard Gomez, Melissa Mendez, Jennifer Sevilla at ang ilang bold stars tulad nina Klaudia Koronel na bida sa pelikulang Live Show, Ynez Veneracion, Rita Magdalena at iba pa.
Hindi rin daw titigil ang mga raliyistang ito sa pagsusuot ng black arm band hangga’t hindi nareresolbahan ang problema ng censorship sa pelikulang Pilipino.
Email: [email protected]
Ang balita ko ay ito ang unang project ni Jacky Woo dito sa Pilipinas pero siya ay isang sikat na artista sa Japan. Hindi nga lang malaman kung bakit Jacky Woo ang kanyang pangalan. Siguro ginagamit niya iyon dahil may recall naman ang Jacky Chan at ang John Woo naman ay may recall din bilang isang direktor na mahusay sa Hollywood. Kapag daw naging matagumpay ang kanilang pagsasapelikula ng Total Aikido 1 & 2, malamang ay magtayo na ng opisina ang mga Japanese na ito sa Pilipinas.
Kunsabagay marami na ring mga Hapones ang nagbabalak gumawa ng pelikula dito sa bansa. Ang balita ko rin ay hindi masyadong matagumpay ang mga pelikula sa Japan dahil nilamon na lahat ng TV productions ang kanilang movie industry. Pero ang industriya ng pelikula naman sa Hapon ay isa sa mga pinaka-successful noong mga ilang dekada na ang nakakaraan dahil sa trabaho ng mga direktor tulad nina Nagashima, Akira Kurosawa na ang mga pelikula tulad ng Ran at Rashomon ay umani ng katakut-takot na tagumpay sa lahat ng filmfest sa Europe at maging sa Amerika.
Ang Total Aikido ay ire-release ni Wilson Tieng ng Solar Films. Si Wilson Tieng din ang nag-release ng pelikulang Japanese na Sumo Do, Sumo Don’t na isang comedy tungkol sa mga makabagong manlalaro ng sumo wrestling sa Japan. Ang sumo ay isang tradisyunal na paglalaban ng dalawang malalaking tao at sila ay naglalaban sa loob lamang ng isang bilog at kung sino ang maitulak o maitapon sa labas ng bilog ay talo. Ang Sumo Do, Sumo Don’t sa pagkakatanda ko ay dubbed sa Tagalog upang lalong maengganyo ang mga manonood at successful naman ito kahit kokonti ang publicity ng pelikula.
Ang aikido naman ay isang uri rin ng martial arts tulad din ng judo at saka ng kung anu-ano pang oriental form ng pakikibaka. Siguro ito ang gustong ipakilala o i-promote ni Jacky Woo. Si Jacky Woo sa unang tingin ay isang matipunong lalake at mukha nga siya talagang action star dahil parang matapang ang kanyang mukha. Masaya naman siyang kausap lalo pa nga at nagkakahalo ang aming pag-uusap kasama ng kanyang interpreter. Ang sabi ng kanyang manager ay talagang totohanan ang kanilang production at hindi ito basta laro-laro lamang dahil ginagastusan nila ng malaki ang mga produksyong ito. Ang direktor ng Total Aikido ay si Jett Espiritu na isa sa mga pinakamagaling na direktor ng action movies at si Aya Medel ay isang magandang aktres na sikat na sikat kung bold din lang ang pag-uusapan.
Kunsabagay si John naman bilang kontrabida ay very effective, at isa rin siya sa pinakamagaling na artista kung drama rin lang ang pag-uusapan.
Si John Regala ay nagpo-produce rin ng kanyang pelikula at may ilan na rin akong nakita tulad ng Askal. Sa pagsama niya rito sa pelikulang Total Aikido, baka mapansin din si John makuha rin siya ng ibang mga producers sa Japan. Magandang balita itong pagpasok ng mga Japanese investors sa ating movie industry na laging sinasabing naghihingalo na at ang pasok naman nila ay sa action genre kaya siguro wala silang magiging masyadong problema sa MTRCB at sa censorship.
Ngayon nga ay maraming problemang kinakaharap ang industriya ng pelikulang Pilipino dahil inaakala nilang naghihigpit ang bagong MTRCB chairman na si Alejandro Roces. Nagpahayag na raw ng kanyang pagkadismaya sa Live Show si Ginoong Roces at mamumuno daw ito sa pagsasabatas ng mga alituntunin sa gobyerno na magbabawal o maghihigpit talaga para hindi makalusot ang mga pornographic films dito sa atin.
Hindi rin daw titigil ang mga raliyistang ito sa pagsusuot ng black arm band hangga’t hindi nareresolbahan ang problema ng censorship sa pelikulang Pilipino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended