Gaganap bilang misis na pinatay si Elizabeth Oropesa. Makakasama niya sa nasabing episode sina Tirso Cruz III, John Arcilla, Gerard Pizarras at Aya Medel.
Hindi naging madali sa Kasangga na ipalabas ang episode na ito dahil may ilang hindi sumasang-ayon sa panig ng itinuturong salarin.
Pero naging masigasig ang mga nasa likod ng programa. Pinag-aralan nilang mabuti kung paano ipi-present ang episode.
Kaya naman nagawa nilang makatotohanan ang mapapanood ngayong Martes.
Patuloy ang tinatanggap na papuri ng programa sa kanilang mga ipini-feature nila tuwing Martes dahil nagiging faithful sila sa mga tunay na nangyari base sa testimonya ng mga kamag-anak ng biktima.