Ang premyadong aktor na si Albert mismo ang pumupuri sa dalawang dalagitang pumapapel na magkapatid sa Ikaw Lang Ang Mamahalin sina Angelika at Sunshine. Pawang magagaling na artista ang dalawa ayon kay Martinez at talaga namang gulat na gulat ang aktor sa husay nilang umarte.
Maging si direktor Soxy Topacio ay pawang papuri ang nasabi sa dalawa. Sabi pa ni Soxy isang sensitibong aktor si Cogie Domingo. Hindi alam ni direk kung saan nahuhugot ng bagito ang mga emosyong kinakailangan sa kanyang mga mabibigat na eksena.
May special participation sa drama series ng Siyete ang mga multi-awarded na sina Eddie Gutierrez at Gina Alajar. Also starring sa palabas na tunay na tututukan at susubaybayan tuwing 6:30 n.g., Lunes hanggang Biyernes, sina Carmi Martin, Alicia Alonzo, Janice Jurado, Ana Capri, Marjorie Barretto, Gabby Eigenmann, Mel Martinez, James Blanco at Sherwin Ordoñez.
Dalawa ang nagdidirek ng Ikaw Lang Ang Mamahalin, sina Louie Ignacio at Soxy Topacio. Sabi ng mga artista sa bagong show ng GMA, pareho silang mabilis magtrabaho at super galing sa pagmo-motivate bawat eksena. Ang kaibahan lang nila ay higit na mabusisi sa mga teknikal na aspeto si Louie.
Kaya naman walang preno niyang sinabing, "I am already 37 years old." Ang ibang kasabay niya noon, mukhang nanay niya kung tatabi kay Carmi.
Isa sa mga nagpapanatili ng kaseksihan at magandang complexion ni Carmi ay ang kanyang regular workouts. Three times siyang nagpupunta sa gym kung saan mga 30 minutes siyang nagpapawis. Siyempre naman malaki rin ang tulong ng clean lifestyle niya at ang magandang pananaw niya sa buhay.
At masipag talaga si Carmi, kaya siguro laging malusog ang katawan niya. Bukod sa pag-aartista ay nag-aaral pa pala ngayon siya. Kumuha siya ng two-year course na Interior Design sa pamosong Philippine School of Interior Design sa Pasong Tamo, Makati. Sa July ay graduating na siya at talaga namang balak niyang gawin isa pang career ang pagiging interior designer.
Ilang malaking trabaho na ang natanggihan niya upang magdisenyo ng mga opisina at restaurant dahil nga busy pa si Carmi sa kanyang showbiz commitments.
Isang malupit at mataray na character ang papel ni Carmi sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
"Ang personality ko kasi hindi puwede ang pa-sweet," sabi niya "Pero hindi rin naman puwede sa akin ang sobrang salbahe. Enjoy naman ako sa role ko at puwede rin namang maging career ang pagiging kontrabida."
Nasa bagong milenyo na tayo at taong 2001, pero ang iba nating kababayan tila nabubuhay pa sa dark ages at punong-puno ng kaipokritahan ang mga utak.
Ang mga makikitid na isipang ito at mga mapagkunwaring mga guardians daw ng moralidad ang siyang pumapatay sa industriya. Sila na sumisikil sa kalayaan ng mga artista ang dapat na ihulog sa apoy at kumukulong langis.