Pabonggahan ng mga 'STARiray'

Ang Jefz Café Sing-along Bar, na matatagpuan sa ibaba ng New Solanie Hotel (1811 Leon Guinto Street, Malate, Manila), ay may bagong show na pinamagatang STARiray sa Marso 27, 2001.

Mapapanod dito ang apat sa pinakamagaling na mang-aawit at komedyante sa sing-along bars ngayon na sina Norman (sound-alike ng "Asia’s Queen of Songs’, Pilita Corrales), Teri (na mahilig gayahin ang Superstar na si Nora Aunor), Kirai (isang very promising na stand-up comedian) at si Willy Jones (ang Shirley Bassey ng mga sing-along bars). Sa show na ito ay nakatakda ring ilunsad ang bagong artists ng Jefz Café Productions, ang Boom Boom Girls na binubuo nina Sade, Mica, Elaine at Magica.

Tampok sa show na ito ang mga nakakatawang sketches at mga production numbers na mala-Las Vegas.

Ang STARiray ay mula sa panulat at direksyon ni Chi de Jesus kasama si Rani Santos ng Whiplash bilang choreographer. First come, first served basis ang show kaya dapat ay agahan n’yo ang pagpunta. Doors will open at 9:30 p.m. For more information and ticket inquiries, maaaring tumawag sa telepono bilang 524-8641 o mag-e-mail sa jefzcafe@skyinet.et.

Show comments