Ngayong Lunes sa Kiss Muna, may isang kliyente si Ampy (Elizabeth Oropesa) na gustong magpagawa ng isang "animal-inspired" collection sa X-Appeal. At saan pa bagay i-rampa ang mga seksing modelo tulad ng "torerang" si Klaudia Koronel kundi sa Manila Zoo? Lingid sa kanilang kaalaman, may dalawang taong-gubat (Onyok Velasco at Patricia Javier) na gustong palayain ang lahat ng hayop sa nasabing zoo. Laking gulo ‘to para sa Jungle Fashion Show ng Kiss Muna.
Kiss Muna, tuwing Lunes, alas-9:30 ng gabi sa GMA.