Ang Miss PBA na dapat din panatilihin ng mga kababaihang di lamang ang kagandahang panlabas kundi pati ang kagandahan ng puso at diwa. Dapat din ang mga ito ay physically at mentally fit na makakamit lamang nila kung sila ay aktibo sa isang sport.
Ang mga kandidata ng Miss PBA ay naiibang patimpalak sa pagandahan sapagkat ang mga kalahok ay dapat din may kinalilibangang sports. Naniniwala ang mga organizers ng Miss PBA ay magiging involved sa ibat-ibang activities ng pageant. Makikita sila sa mga campus, mga malls at mga music bars sa buong Kamaynilaan upang i-promote ang physical fitness na isang mahalagang katangian ng tunay na beauty queen.
Ang mga kalahok sa pageant ay magkakaroon ng pagkakataong magwagi ng kalahating milyong piso para sa title holder at sa kanyang mga runners-up. Bukod dito maaari rin magbukas ng magandang oportunidad para sa title holder na makapag-host ng TV show, lumabas sa mga TV commercials.