Onemig, mahilig maglaro ng kotse

Nakuha na si Onemig Bondoc ng Richwell Trading Corp. para maging official endorser ng Hotwheels at Matchbox, mga kilalang die cast toy cars. Isang certified Hotwheels collector si Onemig. Nagsimula siyang mangulekta ng mga maliliit na kotse simula nung bata pa siya.

"Dati laruan lamang sa akin ito pero, ngayon ay isa nang mahalagang koleksyon na nagbibigay sa akin ng kasiyahan matapos ang mahabang oras ng pagtatrabaho," anang guwapong aktor.

Bilang endorser ng mga laruang kotse, magkakaroon si Uno ng mga store visits ngayong bakasyon. Catch him at SM YMCA, Robinson’s Place, Ermita, SM Harrison Plaza, Rustan’s Harrison Plaza at SM Makati. Pipirma siya ng autograph at magkakaroon ng picture taking sa lahat ng Hotwheel fans.

Show comments