Lani, hindi iiwan kailanman ang showbiz

Kung sakaling mananalong Bacoor Mayor si Lani Mercado ay di niya tuluyang tatalikuran ang showbis.

"Most likely, iri-resume ko ang weekly TV show ko na pang tahanan ang tema. At siguro once a year ay gagawa pa rin ako ng movie na pang-pamilya," ani Lani.

Sa kabila ng mga bayolenteng insidente, gaya ng pagpatay sa leaders at supporters nila ni Gov. Bong Revilla ay nananatiling matatag at matapang si Lani. Higit niyang nadama ang protectiveness at pagmamahal ni Bong.

Kailan nga lang ay pinagtangkaan i-ambush ang political reporter na malapit sa kanila ni Bong. "Buti na lang na nakaligtas siya at ang anak niya. I’ve faith in God. Alam kong di Niya kami pababayaan. Ang kapakanan at pangangalaga sa Cavite ang main concern namin ni Bong," sabi niya.

Binanggit ni Lani kung magwawaging mayor ang edge niya ay kabiyak siya ng gobernador. "Siyempre, mabilis na maaprobahan ang anumang project ko sa Bacoor. Talagang tututukan ko si Bong. Bukod sa kaunlaran ng Bacoor ay paiiralin ko ang pusong ina sa pag-aalaga sa constituents ko. My maternal concern spells the difference." – NA

Show comments