Stampede sa premiere night ng movie ni Rica

Pinipilahan ngayon ang Sa Huling Paghihintay nina Rica Peralejo at Bernard Palanca. Nagsimulang ipalabas ang movie last Wednesday. Nagkaroon ng premiere night ang pelikula sa SM Manila noong Monday. Nagkagulo ang buong Cinema 4 ng SM Manila dahil sa pagpupumilit ng mga taong makapasok ng sinehan. Hindi nakontrol ng security ang pagsisiksikan ng mga tao kaya napilitan silang isara ang harapan ng sinehan. Karamihan sa gustong manood ay ang mga kalalakihan na pinapantasya si Rica.

Pero hindi naman nakalapit ang mga tao kay Rica dahil parating nasa tabi niya ng sinasabing inspiration niya ngayon at leading man niyang si Bernard.

Show comments