‘Abakada... Ina’, recommended ng LCC

Sa isang latest survey na ginawa ng National Statistics Office (NSO), lumabas na may 2.8 milyong Pilipino ang mangmang at may 7.4 M ang functionally literate o nakakaintindi ng kaunti.

Inindorso ng LCC (Literary Coordinating Council ng Department of Education) ang pelikula ng Viva Films na Abakada... Ina, isang pelikulang tungkol sa isang hindi nakapag-aral na ina who became empowered through education sa launching ng National Literacy Awards.

Si Eddie Garcia ang nakumbinse ng Viva na maging direktor ng napaka-ispesyal na pelikula matapos ang walong taon na hindi nito pagdidirek ng pelikula.

Ang Abakada...Ina ay isang ‘must-see’ film para sa mga educators, students, families at kahit sino na umaasam na makakita ng isang educated Philippines.

Show comments