Korina, Karen & Kris, ang most powerful K sa Dos

Hangga’t maaari, ayaw nang pag-usapan ni Karen Davila ang issue sa kanila ni Korina Sanchez. "There’s no point of comparison between me and Korina. There’s no rivalry, wala talaga, honestly. Fiction of imagination n’yo lang ‘yun, useless," pakiusap ni Karen sa presscon-cum-launching ng ABS-CBN Headlines, weekdays, 10:30 p.m katapat ng Front Page ni Mel Tiangco sa GMA 7. Last Monday pa nag-start si Karen sa Headlines. Ito bale ang ika-third show ni Karen sa Dos - Barangay Dos and Correspondents ang dalawa pa.

"Makakasama ni Karen as correspondents ng Headlines sina Erwin Tulfo, Gus Abelgas, Gigi Grande, Carmelita Valdez, Dindo Amparo, Jade Lopez, Mario Dumawal, Weng Orejana and Tony Velasquez.

Simula nang lumipat si Karen sa Dos hindi na natapos ang intriga sa kanila ni Korina. Na kesyo hindi sila nag-uusap at parating nag-iiwasan kahit na nga raw magkita sila sa news room. Pero ayon nga kay Karen, wala talaga silang gap.

Maging si Kris Aquino ay kino-compare sa kanya. "Kris is a friend of mine since high school. Magaling siya, kaya please ‘wag n’yo naman kaming pag-awayin," pakiusap niya. Sinasabing sila nila Korina at Kris ang three most powerful K sa ABS-CBN.

Anyway, nasa ABS-CBN na rin ang inspiration niyang si David Jude Sta Ana na dating news director ng GMA 7. News director pa rin si DJ sa ABS-CBN News and Current Affairs. "Iba ‘yung personal life namin sa trabaho. Bihira lang kaming mag-usap sa office," she says. Hindi rin daw siya ang nag-convince kay DJ para lumipat sa Dos.

Almost four years na ang relasyon nina Karen at DJ na anak ng nasirang si Gus Sta Ana ng Tempo.

Willing din siyang gawin ang ginawang move ni Gel Santos-Relos na i-give up ang career in favor of marriage kung saka-sakali.

Sa pagpasok ni Karen sa Headlines, siya mismo ang nagsusulat ng mga stories. Hindi rin sila nag-uulit ng story na na-present na ng TV Patrol. "Ibang presentation or follow-up na ang ginagawa namin."

Last September lang lumipat si Karen sa ABS-CBN. Una niyang programa ang Barangay Dos kasama si Kiko Pangilinan. Hindi nagtagal ay naging co-host siya ni Mari Kaimo sa Correspondents na during that time ay nababalitang mag-o-off the air na.

Malaki ang na-contribute niya sa Correspondents in terms of presentation. ‘Yung episode nila tungkol sa helmet controversy sa Philippine Marines ay malawak ang presentation. Pinuntahan niya lahat ng mga sinasabing nag-deliver ng helmet sa Philippine Marines. Pero pawang mga hindi nagi-exist ang mga addresses na ibinigay. Sinubukan nilang hingan ng statement ang general na sinasabing nag-arrange para mabili ang nasabing helmet, pero hindi ito pumayag na magpa-interview.

Ilan sa mga notable work ni Karen ay ang exclusive interview niya kay Mark Jimenez na sa unang pagkakataon ay nagpa-interview sa TV. Siya rin ang nag-interview sa architect ni dating pangulong Estrada na si Chito Antonio at landscape artist na si Shirley Sanders. Doon sinabi ni Antonio na naniniwala siyang si Estrada ang may-ari ng Boracay mansion at iba pang asset.

Noong 1995 nagsimula si Karen bilang reporter/producer sa Brigada Siete, panahon pa noon ng nasirang si Louie Beltran kasabay ng kanyang pagiging news anchor sa Saksi kasama si Mike Enriquez. Naging co-host din siya ni Paolo Bediones sa Extra! Extra! -- February 1999 - August 2000 at reporter/producer sa Probe Team ni Cheche Lazaro at the same time bago nga siya napunta sa Dos.
* * *
"Hanggang December 20 pa puwedeng gumawa ng commerical si Kris Aquino. You read it right folks. Usually kasi, pag nasa News and Current Affairs ng ABS-CBN, isa sa mga regulasyon nila - bawal gumawa ng commercial dahil naniniwala silang makakaapekto ito sa kredibilidad ng isang news anchor or reporter.

Sa kaso ni Kris, sa entertainment production siya unang nakakontrata bago siya napasok sa News and Current Affairs kaya puwede pa.

Anyway, sa press launching ng Balitang Kris last week sa Annabel’s restaurant, maraming sinagot si Kris tungkol sa kanila ni Phillip Salvador. Like almost two months din palang hindi nakita ni Ipe si Joshua. Pero laging hinahanap ni Joshua si Ipe kaya inutusan niya ang yaya ni Josh na tawagan si Phillip at sabihin na okey lang na hiramin ang anak nila ng actor. Since then, nahihiram na ni Ipe ang anak nila. Pero yaya lang talaga ang nakikipag-communicate kay Phillip ayon mismo kay Kris. At kung may gustong sabihin ang actor kay Kris tungkol kay Joshua, ang yaya pa rin ang nagsasabi. "Like one time tinawagan ako ng yaya kung puwede raw ba silang sumama kay Phillip na kumain. Ok lang." Nagbibigay din naman daw ng sustento si Phillip. "Pag meron naman siya, generous siya," she says.

"Ok na ang set up nila ni Phillip ngayon. Bagama’t hindi pa sila gaanong nag-uusap, willing naman siyang i-feature ito sa kanyang show. Kaya one of these days, mapapanood n’yo si Ipe sa Balitang Kris.

Kino-consider ni Kris na whole new world ang pagpasok niya sa News and Current Affairs bagama’t 50-50 pa rin ang set up nila with the entertainmet production of ABS-CBN. "Magkaibang continent talaga kami eh. Hopefully, ma-break ko ‘yung gap na ‘yun," she avers.

Kung spoiled si Kris sa dati niyang show - Today with Kris Aquino, sa Balitang Kris kailangan niyang magtrabaho as in mag-interview sa labas. "Actually, mas matrabaho ‘to. Mas mahaba ‘yung oras ng trabaho dahil lumalabas kami."

Dahil 30 minutes lang ang show, lumalabas na 17 minutes na lang ang Balitang Kris dahil 11 minutes ang commercial at two minutes para sa OBB.

Anyway, no regrets si Kris sa naging desisyon niyang lumipat sa Balitang Kris. Promotion sa part niya ang nangyari. Pero base sa observation ng nakararami, mas effective si Kris sa kanyang da-ting show. Bagay sa kanyang personality at nai-express niya ang kanyang nararamdaman at nagagawa niya lahat ng gusto niya. "Hindi ko lang siguro puwedeng gawin dito ‘yung magsuot ako ng iba-ibang color or ‘yung glitter sa mata ko. Pero mag-i-interview pa rin ako rito. Puwedeng for the whole week, lahat interview ang episode."

Hindi pa rin alam ni Kris kung iiwan niya ang The Buzz with Boy Abunda.

Tungkol naman sa kanyang radio show sa DZMM, sinabi ni Kris, malamang na after the election na lang ito matuloy.

Nauna nang napabalita na siya ang papalit sa slot ni Ate Luds sa DZMM.
* * *
sva@i-next.net / psnbabytalk@hotmail.com

Show comments