Teenhearts: Ultra Teen Power

Ang fresh at genuine talent ay isa sa mga kailangan ng music industry ngayon. Kokonti ang nagdadagsaan na talented newcomers sa music scene ngayon, kaya naman kailangan natin ng mga youthful at talented artists gaya ng Teenhearts.

Ang Teenhearts ay ang latest addition sa stellar line-up of artists mula sa Istilo Records ng Star Records–makers of certified hits. Ang grupo ay binubuo ng apat na16-year old young ladies at sila ay sina Aisha, Jaybee, Donna and Marielle. Ang musicality ng Teenhearts ay reminiscent sa defunct girl band na Tangerine. Ang kaibahan lang ng grupo ay ang inherent Pinoy aesthetics nila, at ito ang dahilan kung bakit commercially viable sila sa mainstream Filipino market.

Si Larry Hermoso, ang bumuo ng Jeremiah and Fourmula, ang naka-discover sa grupo.

Dalawa sa mga singles ng album ay naka-attract ng attention at ang mga ito ay "Di Ko Kaya" at "Ikaw Lang".

In line with the promotion of their album ang Teenhearts ay naging abala sa kanilang series of mall tours. Teenhearts is now available in CDs and cassettes in all leading record bars nationwide.

Show comments