Ayaw ng double

Mabiling mabili sa pelikula si Brando Legaspi. Sunud-sunod ang mga ginawa at magaganda ang mga roles niya. Tulad ng sa Oops... Teka Lang, Diskarte Ko ‘To ni Robin Padilla. Maganda ang papel niya sa naturang pelikula nina Binoe at Claudine Barretto.

Sa isa pa niyang pelikula, Panabla starring Ronald Gan at Hanna Villame, napansin din ang pag-arte niya. May mga stunts din siyang, ayaw niyang magpa-double. Katwiran ni Brando, gusto niyang umarte.

"Ayaw kong niloloko ang aking mga tagahanga. Gusto ko, ako mismo ang makita nilang gumaganap," sabi ni Brando sa isang panayam.

May isa pa siyang movie, international at bida si John Regala, Aikido, na tampok ang mga Japanese stars at si Allona Amor at John Regala for local showing. – Vir Gonzales

Show comments