'Idol ko si Kap' summer special
March 16, 2001 | 12:00am
Isang babala para sa mga babae.
Maghahasik ng lagim at kaiinggitan ng lahat ng lalake ang beteranong pabling ng Barangay Rancho Verde, si Leo Martinez, ngayong Sabado sa summer special ng Idol Ko Si Kap sa Fontana Resort.
May bagong secret na ilalabas ang babaero sa excursion ng barangayisang x-ray vision glasses na bibigyan siya ng kapangyarihang makita ng walang saplot ang mga tao. Ang biktima: mga seksing bebot gaya nina Assunta da Rossi, Glydel Mercado at Daisy Reyes na suot ang kanilang mga bikini.
Para talaga siyang tumama sa lotto sa saya! Kaya lang, mawawala ang wonder-glasses ng DOM at mahuhulog sa kamay ni Kap (Bong Revilla). Ang tanong, iiral ba ang pagka-gentleman ni idol o bibigay rin siya sa temptasyong gamitin ang salamin para matanaw ang mga di dapat makita?
Alamin ang sagot ngayong Sabado, 7:00 p.m. sa mainit na episode ng Idol Ko Si Kap ng GMA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended