'Kool Ka Lang' sa Bangkok

Ngayong Martes (March 13, 7:30 pm), panoorin ang espesyal na summer episode ng Kool Ka Lang, kung saan nagtungo ang buong cast sa sunny Bangkok Thailand.

"Every year, lumalabas kami ng studio para mag-location shoot ng aming summer special," ani Redgie Magno, executive producer ng show.

Sa episode na ito, si Jack (Raymart Santiago), Mang Mags (Joey Marquez) at ang buong barangay Dagat-Dagatan ay mag-qualify sa contest na "Clue Please." Dahil dito, pinadala sila sa Bangkok para sa final round. Isang milyong baht ang premyo pero dapat nilang mahanap ang iba’t ibang chips kung saan may mga clues na nakasulat para makuha nila ang premyo. Join sa KKL cast sina Ana Capri at Lara Fabregas sa 2-part special na ito.

Ang cast ng Kool Ka Lang ay binubuo nina Raymart, Joey, Gloria Diaz, LJ Moreno, Dennis Padilla, Robert "Long" Mejia, Romy "Dagul" Pastranan at Mark Wilson.

Show comments